jihoon'sEwan ko ba dito kay Joshua hyung, isang linggo na ako sinusundo at hinahatid pauwi.
Tas eto naman si Soonyoung parang iniiwasan ako, kada lalapit ako laging may kailangan gawin.
Hindi tuloy ako makatakas kay Hyung. Kahit gusto ko gumala minsan, gusto niya tatambay sa bahay atsaka makikilaro ng ps4. Meron naman sila.
"Hyung, malaki na ako. Kaya ko naman umuwi mag-isa ah." Sabi ko habang naglalaro siya ng GTA.
Tinigil muna niya ang paglalaro atsaka tumingin sakin. "Namiss lang naman kita. Ayaw mo ba makasama ang Hyung mo?" Nag drama pa siya.
"Eh kasi Hyung, namiss ko lang gumala. Alam mo naman sa mga ganitong edad gusto din lumabas kahit minsan." Sagot ko.
"Edi sasamahan kita. Saan mo ba gusto pumunta?" Haa? Sasamahan niya ako?
"Hyung ikaw? Eh ayaw mo ng lumalabas diba?" Hindi kasi pala-labas si Hyung, ibang-iba kay Soonyoung na always ready.
"Di ah. Basta ikaw. Ano, tara?" Tumango na lang ako. Well, basta ba makalabas ako, masaya na ako.
"Dinner na lang tayo sa labas Hyung." Pinatay na niya yung nilalaro niya atsaka tumayo.
"Sige, uwi lang ako para magbihis tas daanan na lang kita." Nag okay naman ako.
"Ah Hyung, nga pala." Habol ko bago siya umalis.
"Si Soonyoung, yayain mo." Ngumiti naman siya.
"Sige tignan ko." Atsaka umalis.
-
BINABASA MO ANG
yandere ⇝ soonhoon
Short Story❝in which soonyoung has an unusual affection with his cousin jihoon❞