19;

189 6 0
                                    


jihoon's

Nakakainis talaga si Soonyoung, hindi ko padin makalimutan yung ginawa niya sakin.

Hindi mawala sa isip ko dahil first kiss ko yun. Noong kami naman ni Seungcheol hyung, hindi naman siya nag make move sa akin, kaya walang nangyari.

Puro salita, walang gawa. Tsk.

Iniwan ko siya sa library dahil sa inis, bahala siya umuwi mag-isa niya.

Umuwi ako mag-isa dahil wala nanaman akong klase, si Soonyoung lang dahil may remedial siya.

Pag dating ko sa bahay, nagulat ako dahil may bisita kasi may sapatos sa may pintuan.

"Jihoon! Namiss mo ba si hyung?" Nagulat ako at biglang napatalikod.

"Joshua hyung?" Niyakap niya ako at ginulo ang buhok ko.

"Hyung bakit bigla ka napauwi? Ayaw mo na ba mag dorm?" Tanong ko sakanya.

Si Joshua hyung ay isa ko ding pinsan at kapatid ni Soonyoung.

"Si Soonyoung hindi mo kasama?" Tanong niya.

"Hindi eh." Sagot ko. Hindi naman sinabi sakin ni Soonyoung na bumalik si Joshua hyung.

Nagulat ako kasi hindi gaano umuuwi si Joshua hyung, dahil nga gusto niya maging independent agad humiwalay siya at nag dorm.

"Ahh. May sasabihin sana ako sayo. Wag mo sasabihin kay Soonyoung ah." Umakyat na kami sa kwarto dahil close naman ako kay Joshua hyung at gusto ko ulit siya maka-kwentuhan.

"Ano yun hyung?" Lumapit siya sakin at bigla ako hinawakan sa kamay.

"Gusto kita Simula nung bata pa tayo. Alam mo ba, ikaw lagi ko iniisip. Miss na miss na kita. Pwede ka bang maging akin Jihoon? " Atsaka niya ko niyakap.

-

yandere ⇝ soonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon