soonyoung'sKakatapos ko lang sa part time job ko para makaipon ng pera sa bday ni Jihoon ng nabasa ang niya chat sakin.
Agad ako pumunta sa ospital at nakita ko sila mama, papa at jihoon na pagod at malungkot.
"Ji-" Tatawagin ko pa lang si Jihoon ng sinampal ako ni Mama.
"Nasaan ka ba!? Kanina ka pa namin hinahanap!! Yung kuya mo!!!" Umiiyak siya habang nakahawak sakin.
Lumapit naman si Papa at agad na kinuha si Mama at sumenyas sakin na pumasok ako sa kwarto.
Sumama naman sakin si Jihoon. Pagpasok ko nakita ko si Joshua hyung na nakahiga at walang kamalay-malay.
"Anong nangyari kay Hyung?" Tanong ko kay Jihoon.
"Magkasama lang kami kanina pauwi dahil nga sabi mo hindi ka ulit pwede, pero... bigla na lang may bumangga sakanya noong pauwi kami.. Hi-hindi ko alam gagawin ko.. Sabi ng Doktor, matatagalan ang pagising niya dahil malakas ang pagkakatama ni Hyung sa ulo.. ughhhh..." Umiiyak si Jihoon kaya naman niyakap ko siya.
"Shhh..wag ka na umiyak." Pinunasan ko ang luha niya atsaka ginulo ang buhok niya.
"Ako may kasalanan!! Kung hindi ko sana siya kasama noon at kung niya sana ako tinulak, edi sana ako na lan--" Pinigilan ko siya.
"Makinig ka, walang may kasalanan sa nangyari. Hindi ka din sisisihin ni Hyung pag nagising siya."
Bigla naman pumasok si Mama at tinawag si Jihoon para ipa x-ray kung may nangyari sa katawan niya.
Tinitigan ko si Hyung. Puro sugat sa katawan at pasa sa mukha. Napangiti na lang ako bigla.
"Kung hindi ka sana humadlang samin ni Jihoon, edi sana hindi ka nakahiga jan. Magkano kaya ibabayad ko sa bumangga sayo? "
-
BINABASA MO ANG
yandere ⇝ soonhoon
Short Story❝in which soonyoung has an unusual affection with his cousin jihoon❞