Chapter 2: Letters to Lorelei Rios

755 17 0
                                    


I was stunned for a moment when I saw my heartthrob classmate. He's leaning near our classroom door while his hands are on his pockets. Hindi rin nakaligtas sa akin ang mga tinging ipinupukol sa kanya ng mga dumaraang estudyante.

" I guess nakalimutan mong magpapaturo ako sa'yo sa College Algebra" kapagkuwa'y sabi n'ya nang makalapit ako sa kanya.

"Ah oo nga pala! Hehe saan ba tayo?" I plastered a smile on my face. Just when I thought I could look over to my case, may "afterclass activity" pa pala ako.

" May alam kong study hub sa malapit lang, kung okay lang sayo? " then he flashed his sweet smile. Kung ibang babae siguro ang nasa kalagayan ko ngayon ay baka himatayin na sila sa kilig. Sabihin na lang natin na iba ako.
----

Teaching Richard went pretty well. Matalino s'ya actually, kaya nga nagulat ako nung lumapit s'ya sakin para makiusap na turuan sya. Kasalukuyan akong lulan ng kotse n'ya, he insisted to offer me a lift pauwi since ayon sa kanya ay malapit lang din ang bahay n'ya sa apartment na tinutuluyan ko.

I frowned when I noticed something's off nang mapatunghay ako sa tapat ng unit ko. I hurriedly run upstairs at di naman ako nagtaka nang sumunod sakin si Richard. The light in my room is on kaya naman nagtataka talaga ako dahil wala naman akong kashare ng room.

"At last! Where have you been Lorelei?" I met his gaze and noticed a hint of worry on his eyes. Biglang napadako ang aking paningin sa paligid- parang nagkaroon ng bagyo na dito lang tumama sa mismong unit ko.

"What happened?" humihingal na tanong ni Richard ng makahabol s'ya sakin.

"Who are you?" diretsahang tanong ni Loki na di natitinag sa pagkakaupo nya sa sofa ko.

"Is he staying here with you?" tanong sakin ni Richard na tila ba di narinig ang tanong ni Loki.

"Lorelei what exactly had happened here and why are you out with this guy? It never crossed my mind that you are this turbulent." tila naman hindi rin narinig ni Loki ang tanong para sa kanya.

   Tama naman si Loki na hindi ako makalat na tao, dahil nung magkasama pa kami dati ay ako ang naglilinis maging sa mga kalat nya. Hindi kaya...

  Agad akong napatakbo sa kwarto ko. Kung magulo sa sala ay mas magulo dito, hindi lang parang hinalughog ito dahil pati ang ilang mga damit ko ay nasa sahig at punit punit. Mayroon ding malaking malaking punit mula sa ulunan hanggang sa paanan ng bedsheet ko. Agad namang napadako ang aking paningin sa unan ko na may maliit na envelope sa ibabaw. Nanginginig ang kamay na inabot ko iyon.

"What's that?" Magkapanabay na tanong ni Loki at Richard. Naramdaman ko ang paglapit nilang dalawa sakin upang mas makita ang hawak ko.

Litrato ko yun katabi si Richard habang nakaupo sa classroom. Ang kaiba lang ay puno ng pulang ink na parang ginawang dugo ang parte ng picture kung nasaan ako, samantalang bahagya lamang nadumihan ang parte kung nasaan si Richard.

"That explains it. I see that this guy here is your classmate and your seatmate. And he probably asked you a favor that's why you've been with him kahit kanina ka pa dapat nakauwi. Right?" kapagkuwa'y sambit nito.

"Whoah! Pano mo nalaman yun bro?" Manghang tanong sa kanya ni Richard na sinagot lamang nya ng isang ngisi.

Kinuha ni Loki ang picture at sinuri iyon. Ilang sandali pa ay kumislap ang kanyang mata, indikasyon na interasado s'ya sa kung ano mang nangyari dito.

"I assume na hindi ito ang unang beses na nakatanggap ka nito. May I see the others?" Nag-aalangan man ay tinungo ko ang closet ko at inabot ang iba pang envelope sa kanya. There's no point in hiding. Knowing Loki, once na nagkaroon sya ng interes sa isang "case", hindi na s'ya mapipigilan.

"You've been receiving threats pero hindi mo man lang ito nabanggit sakin o kahit kay Alistair na lang? You think you could solve this alone huh?" I don't know if I should be happy hearing his concern, but the last remark from him somewhat pressed my berserk button. Anong gusto n'yang palabasin dun?

"Okay mister genius! Sabihin na nating hindi mo ko kasing talino, but I can handle this on my own. And besides, I won't bother to tell this to you or to Jamie or to anyone involving you and your little club because you already proved me years ago na hindi ko kayo mapagkakatiwalaan!"

   Silence engulfed the whole room when someone decided to broke it. For a moment we seemed to forgot his existence. And I somewhat feel sorry for him for being our audience.

"Ehem. I'm worried that you could not stay here tonight Lori. Just so you know, you could stay on my place if you don't have elsewhere to go."

"No she's not going with you. Lorelei, let's go to my place." Nakaambang hihigitin nya na ko palabas ng tanggalin ko ang pagkakakapit nya sa kamay ko.

"I'll stay the night here. You two could leave now." Pareho silang napamaang sa sinabi ko, pero wala ni isa sa kanila ang gumalaw.

" If that's your decision then you left me with no choice. I hope you don't mind, but I'm decided to stay tonight." biglang sabi ni Loki at prente itong umupo sa aking kama.

"Same goes with me, I'm staying here with you. So if you don't mind, I'll cook something for the three of us. Is that alright with you Lori?" hindi na ako tumanggi pa dahil ayoko rin namang ma-stuck dito kasama si Loki. Matapos kong sabihin ulit sa kanya kung ano ang nararamdaman ko ay hindi magiging madali ang makitungo sa kanya na para bang walang nangyari.

Hindi rin naman nagtagal ay tumayo na si Loki dala dala ang lahat ng envelope. Tinungo ko naman ang mga gamit kong nakakalat at tinignan ang mga posible ko pang magamit. Masyado nga ba akong nagpakakampante na hindi ganoon kaseryoso ang taong nagpapadala sa akin ng mga sulat na yun kaya umabot pa sa ganitong nakapasok s'ya dito sa kwarto ko at nakapanggulo s'ya dito?

Masyadong maraming gumugulo sa isip ko kaya't di ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lamang ako sa isang mahinang tapik.

"Tara Lori, kumain na tayo." Nginitian ko na lamang si Richard. Mula rito ay naaamoy ko ang niluto n'ya. Kung wala s'ya dito ay baka cup noodles na naman ang kakainin ko o kaya nama'y hindi na lamang ako kakain ngayong gabi.

Naabutan namin si Loki na nakaupo at nakatingin lamang sa kawalan na parang napakalalim ng iniisip. Binulungan naman ako ni Richard na ayain ko si Loki tutal hindi pa sila talaga magkakilala. I keep calling him but to no avail. Parang hindi n'ya ko naririnig, gaano ba kalalim ang iniisip nya that he seems to be so hard to fathom? Wait wait wait. Did he just slept with his eyes open again? Dahan dahan ay lumapit ako sa kanya at iniumang ko ang kamao ko ilang sentimetro ang layo mula sa mukha n'ya.

"Whoah whoah! Hindi mo naman binabalak na suntokin s'ya diba?" Kinakabahang tanong ni Richard, "I don't know what had happened in your past pero hindi naman ata magandang saktan mo s'ya...physically?" Natawa naman ako sa sinabi n'yang yun. Kahit pa hindi maganda ang una nilang pagkikita kanina ay hindi s'ya gaanong bayolente kay Loki.

"Kung sasaktan ko man siya, gagawin ko yun nang gising s'ya." Agad namang nagsalubong ang kanyang mga kilay kaya minabuti ko ng tapikin si Loki.

"Ahhh! I slept again. But I'm proud to say na meron na kong hint tungkol sa misteryosong taong nagpapadala ng mga threats sayo. By the way, thank you for waking me up"

"Wait. What? Nakatulog ko nang dilat ang mata? Are you serious?!" Manghang tanong ni Richard.

"It's my special skill. So I guess, the dinner is ready. Shall we?" Hindi na n'ya inantay pa ang sasabihin ni Richard at nagpatiuna na s'ya papunta sa hapag.

Is it another awkward dinner for me? Ugh!

The QED FourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon