Kung anong kinatahimik ng umaga ko habang kasabay sila Al at Loki- na napag alaman kong nagshashare pala sa unit na yun- s'ya namang kina-ingay ng lunch break ko.
Of course I prefer to eat alone. Ang kaso lang dahil dumagsa ang mga tao sa cafeteria, may mga nakashare ako sa table na base sa pagkakatanda ko ay mga blockmates ko."So, Lori bakit ka nag-Educ?" Ahm. Bakit nga ba?
"I guess, dahil mahilig ka rin sa bata! Tama ako diba? Diba diba?" I just stare at the loud girl beside me. What's her name by the way?
"I'm Hannah" pakilala nung babaeng nakaFull bangs. "And this is Jenny" tukoy n'ya sa babaeng maingay. "Let's change our uniform na. Magp P.E pa tayo"
Hindi ko alam if I should be happy or not, dahil habang naglalakad kami sa hallway ay nakaangkla ang kamay nung dalawa sa braso ko. Feeling ko tuloy para akong isang nanay na iginagala ang mga anak nya. I wonder, pano natagalan ni Loki ang ginagawa sa kanya ni Jamie noon.
"Hi Lori, Good Morning" huh? Sino yun? I came to a halt when I realized na hindi ko kilala yung lalaking bumati sakin. With furrowed brows I looked at the two ladies and notice the mischievous smile plastered on their faces. O-kay, I bet they gone insane.
"Uy! Ang ganda ganda talaga ni Lori. Napansin ka kaagad ni Richard! Ikaw na ate girl!"
"Richard who?" I don't think there's something wrong with my question since I'm newbie, but the look on their faces are telling me the other way around.
"Katabi mo s'ya kanina sa room pero hindi mo kilala? Isa pa, sikat s'ya dito! He's the ultimate crush of our department. Swerte mo!" Ultimate crush? Ano sila high school? Tsk.
---
Mabilis natapos ang first day of class at hindi ko masasabi na I've gain friends, because when I'm about to keep my notes napansin kong bukas ang bag ko. There I saw a red small envelope at talagang kinareer ng naglagay nun sa bag ko dahil ang sulat nun ay naka red ink pa."Hey Lori, pauwi ka na?" I just nod at Cedric who keeps looking at me while walking down the hallway.
"Sino yun?" I turn around to face her.
"Jamie." I must say, her brown curly hair looks good on her. I noticed her lanyard bearing the name of her department. Fine Arts. She's a great actress afterall, napa-ikot nya nga ako dati sa pag-aacting n'ya e.
"Hi Lori! Are you waiting for Alistair? Nakita ko sila ni Loki dun oh! Let's go!" she said and dragged me along with her. Her hands are link to my arms. A picture of bestest best friend.
----The day is uneventful, well except for Jamie dragging me to have "bonding" together with Al and Loki and the letter I received.
I immediately sprang out of bed when I remembered the letter. Well you might be wondering where I am right now, kumuha ako ng bagong room kay Tita Martha and fortunately ay wala pa akong kashare ng room. Going back to business, I have a bad feeling about this letter... para kasing familiar e.
I stared at my name written using red ink and frowned when I remembered that it's almost like what I've experienced nung bagong lipat ako sa Clark High at may secret admirer na nanggulo sakin- ang dahilan kung bakit ako lumapit sa QED Club.
Not like the usual coded letters that I've encountered when I'm doing "detective things" and sulat na natanggap ko ay hindi na kailangan pa ng decoding. Isang malaking "BITCH" ang laman nito kasama ang picture ko habang nagpapalit kanina sa locker room. I want to freak out hindi dahil sa mismong sulat kundi sa picture na kasama nito. I'm glad that I'm wearing sando nung nagpalit ako kanina, ang kaso lang masyadong nakakabahala ang litratong yun... scandal kumbaga.
---It's Friday and my first week is about to end, last subject na namin to kaya naman kating-kati akong makauwi na. Sa loob ng isang linggo ay patuloy akong nakatanggap ng mga disturbing letters mula sa misteryosong tao na hanggang ngayon ay di ko pa rin kilala. Masyado rin kasing busy kahit pa first week pa lang ng klase, kaya naman balak kong imbestigahan na lang ito ngayong darating na weekend.
Sa iba't ibang lugar ko nakukuha ang bawat envelope at lahat yun ay may litrato kong pasimpleng kinunan habang kumakain, habang nasa library, sa room, at ang mas nakakagulat ay natanggap ko kaninang umaga- litrato ito ng isang pinto... pinto ng unit ko.
Nung una hindi ko iniisip na seryoso ang kung sino mang nagpapadala nito sakin. Pero dahil sa huling litrato na natanggap ko ay masasabi kong hindi ko dapat ito binabalewala lang lalo na't alam n'ya kung saan ako nakatira."Lori sasama ka basamin? Mag ma-mall kami. Tara?" tanong ni Jenny sa akin.
"Ah eh may gagawin pa kasi ako. Enjoy kayo." Agad akong nagtungo sa pinto at bahagyang nagulat ng makita kung sino ang nandun. Agad naman siyang ngumiti ng makita n'ya ko. Kanina pa s'ya nakalabas diba? Ako ba ang inaantay nya?
"Richard?"
BINABASA MO ANG
The QED Four
Fanfiction"Parang sinusundan pa rin talaga kayo ng kamalasan, QED club..." Join the QED Four, Loki, Lorelei, Jaime, and Alistair as they face their College life with blood, mysteries, codes, cases, and all. ---- This is obviously a fanfiction of Project L...