Chapter 1:
Saiko P.O.V
WEIRD!
Yan ang unang pumasok sa isip ko pagka pasok ko palang sa gate ng paaralan na papasukan ko.
Ramdam ko ang mga titig na ipinupukol nila sa akin habang nag lalakad ako ngunit hindi ko ipinakita sa kanila ang pagkailang. Diretso lang ang tingin ko sa daan at gusto kong mag buntong hininga pero natatakot akong gumawa ng anumang reaksyon kaya naman nag pigil nalang ako.
Hindi ko maiwasang mailang sa paraan ng pag titig nila na para bang ipinapahiwatig ng mga mata nila kung anong ginagawa ng isang mahirap na katulad ko at paano ako nakatungtong sa napaka sosyal na paaralan nila.
Ask your principal!
Kung ako lang ang masusunod ay hinding hindi ako papayag sa imbitasyon ng Principal dahil kailanman ay hindi ko hiniling at pinangarap na makapasok at makasama sa iisang paaralan ang mga estudiyanteng isinisigaw ang yaman sa mga aura nila.
Ayokong mag aral at pumasok ngunit nag pumilit si lola na tanggapin ang imbitasyon ng Principal. Nakakatawa lang na sa dinami dami ng mga batang gustong mag aral ay ako pa talaga ang napili niyang bigyan ng scholarship. Ako pa talagang walang interes sa pag-aaral.
Kaharap ko na ang pinto ng Principal office pero hindi ko pa magawang kumatok dahil inuunahan ako ng kaba. Napahinga ako ng malalim at isinantabi na muna ang mga iniisip.
"Move." Napahinto sa ere ang kamay ko na kakatok dapat dahil sa isang tao na nag salita sa likuran ko. Malamig ang boses niya at hindi ko maiwasang mapalunok. Dahan dahan akong humarap sa taong nasa likuran ko at napahigpit ang kapit ko sa maletang dala ko nang mag tama ang mga paningin namin. Sunod sunod ang naging pag lunok ko dahil sa paraan ng pag titig nito. Kung gaano kalamig ang boses niya ay mas malamig pa ang mga titig niya.
Napakunot ang noo nito ngunit hindi naging dahilan para mabawasan ang pag hanga ko sa mukha niya. Isang ruler lang ang pagitan ng mga mukha namin dahilan para mapag aralan ko agad ang mukha niya. Matangos na ilong, perfect jaw line shape, long eyelashes, medyo makapal ang kilay niya, messy hair, makinis ang mukha na para bang hindi manlang ito natubuan maski isang tigyawat.
Napalunok ako nang mapatingin ako sa labi niya, halatang natural na natural ang pagkakaroon niya ng pinkish lips.
"What the hell are you staring at? Move!" Parang nagising ako sa isang panaginip dahil sa sigaw niya. Kung hindi lang sana siya nag salita ay masasabi ko ng isa siyang anghel na nahulog sa lupa!
Nag madali akong tumabi dahil nakaharang ako sa pinto at agad naman nitong binuksan ang pinto ng principal office at dire-diretsong pumasok doon ng hindi manlang kumakatok at tsaka niya pabalibag na isinara ang pinto kaya naman napapikit ako sa gulat at ingay nito.
Grabe! May galit ba yun sa mundo?!
Pagkaraan ng ilang segundo ay sumunod narin akong pumasok habang hila hila parin ang maleta ko at doon ay nakita kong magkausap sila ng principal ngunit nahinto ang pag uusap nila ng maramdaman nila ang presensya ko.
"Saiko dear, I'm glad you came!" Malapad ang ngiting sambit ng principal.
Lumapit ito sa akin at tsaka ako niyakap kaya naman napabitiw ako sa maleta ko dahil sa pagkabigla.
"I thought you'll decline my offer but I'm very very happy. I'm so happy to see you here right now. Welcome to Hellven Academy! " Hindi ko alam kung paano mag re-react kaya naman napatingin nalang ako sa lalaking nakatingin sa amin ngayon habang nakakunot ang noo nito.
BINABASA MO ANG
Hellven Academy #MSAwards 2018-2019
Mystery / ThrillerI was twelve years old when I first saw him. A figure of a man wearing a dark torn robe with a hood covering his face. His hands are pale as if it has never seen the sun. I was just staring at him not until I saw myself walking towards him. To my cu...