Chapter 9
Saiko P.O.V
Nasa loob na kaming lahat ng tent. Isang malaking tent ang itinayo nila upang kasya na kaming lahat at magkakasama kami kung sakaling may umatake man daw sa amin.
Nakakatakot ang mga nilalang na nakasagupa namin kanina ngunit nasisiyahan ako sa pakikipag laban.
Akala ko noon ay sa mga movies ko lang mapapanood ang mga ganitong eksena ngunit tignan mo nga naman at nararanasan ko na ito ngayon.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hanggang ngayon ay palaisipan parin sakin kung bakit ba kasama ko sila sa mga oras na ito—kung bakit ba ako napadpad sa kakaibang eskwelahang iyon.
Medyo maayos nadin ang pakiramdam ko hindi katulad kanina na parang hinihigop ang lakas ko. Hindi ko din alam kung bakit ko nasambit ang mga katagang nabitawan ko kay Caden kanina na pinagsisisihan ko talaga hanggang ngayon.
"Grabe hanggang ngayon ay namamangha parin ako sayo Saiko." Pagsasalita ni Miyuki na gising pa pala.
Nakahiga na kaming lahat at nasa magkabilang dulo kami ni Caden. Katabi ko si Miyuki at katabi naman niya si Blaster. Nakikipag away pa nga si Silver kay Blaster kanina dahil gusto nito na siya ang katabi ni Miyuki ngunit hindi pumayag yung tatlo.
"Mahilig lang talaga akong makipag basag ulo sa mortal world kaya alam kong makipag laban." Sambit ko at napaupo naman ito sa pagkakahiga.
"Really? Wow! Wala sa itsura mo na basagulera ka." Aniya at tsaka muling humiga.
"Bakit ka naman nakikipag away doon?" Tanong ni Cider na gising pa pala. Ito ata ang unang pagkakataon na nag tanong siya sakin.
"Lapitin ako sa gulo." Simpleng sagot ko. Totoong gulo talaga ang lumalapit sa akin kahit anong iwas ang gawin ko dito.
"Kaya naman palagi akong naki-kick out sa mga school na pinapasukan ko hanggang sa mapadpad ako dito." Pagpapatuloy ko at natawa ng mapakla.
Nakakatawa lang na wala manlang akong naging kaibigan sa mga school na pinasukan ko dahil wala pang isang Lingo ay naki-kick out na agad ako.
"Hindi ka naman ba nagsisisi na napunta ka dito?"
"Nagsisisi." Mabilis na sagot ko sa tanong ni Silver.
"Pero ano pang magagawa ko? Andito na ako eh. I know everything has a reason."
Nagsisisi talaga ako. Gusto ko lang naman ng isang normal na buhay at hindi ganitong litong lito ako.
"Bakit hindi ka nalang bumalik sa mortal world kung nagsisisi ka pala?" Tanong ni Caden at hindi ko inaasahang pati siya ay makikisali sa usapan namin. Sinuway siya ni Miyuki dahil sa sinabi nito ngunit natawa nalang ulit ako.
Halata din naman kasing naghihintay sila ng isasagot ko sa tanong ni Caden.
"Bat naman ako babalik? Ang sarap kaya ng mga pagkain sa school."
*****
Dalawang oras na kaming naglalakad ngunit hanggang ngayon ay hindi parin kami nakakarating sa aming destinasyon.
BINABASA MO ANG
Hellven Academy #MSAwards 2018-2019
Детектив / ТриллерI was twelve years old when I first saw him. A figure of a man wearing a dark torn robe with a hood covering his face. His hands are pale as if it has never seen the sun. I was just staring at him not until I saw myself walking towards him. To my cu...