Chapter 2:

28 4 1
                                    

Chapter 2:

Saiko P.O.V

Madilim na pag labas ko ng room ko may mga iilang estudiyante akong nakita sa hallway ng dormitory, pababa ang mga ito at nakasuot na sila ng pang tulog. Tinignan ko ang suot ko at naalalang hindi pa nga pala ako nakakapag palit ng damit kaya naman kahit gutom na gutom na ako ay pumasok ulit ako sa room ko at mabilis na nag shower. Nakakahiya naman kasing lumabas tapos makikita nila na yung suot ko kanina ay suot ko parin hanggang ngayon.

Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas na ako ng CR at nag bihis. Magka ternong damit at pajama ang sinuot ko at itinali ko nalang ang buhok ko ngunit hinayaan ko ang bangs ko at nag iwan ako ng dalawang mahabang buhok sa gilid. Nag suot nadin ako ng jacket dahil ramdam ko ang lamig kanina sa labas.

Lumabas na ako ng dorm at hinanap ang canteen, laking tuwa ko nang hindi ako nahirapan sa pag hahanap dahil karamihan ng estudiyanteng kasabay ko ay papunta din doon. Malamang ay kakain nadin ng dinner ang mga ito.

Habang naglalakad ay bigla akong napahawak sa leeg ko at naramdamang wala ang kwintas ko sa leeg.

Damn naiwan ko nga pala ito sa table sa gilid ng kama ko.

Yaan na mamaya ko nalang susuotin.

Dire-diretso akong pumasok sa canteen at hindi inintindi ang mga tingin nila, pag ganitong gutom ako ay nawawalan ako ng pakialam sa paligid ko.

Dumiretso ako sa counter at kita ko ang gulat sa mukha ng kahera dahil sa dami ng order ko pero ibinigay din nito agad ang order ko ng iabot ko sa kanya ang card ko. Para itong ATM card at ito lang daw ang pwedeng gamitin dito sa school kapag may bibilhin, kasama ito sa mga ibinigay sa akin ni Principal Halzter kanina.

Nag hanap na ako ng mauupuan ko at nakita ko ang isang bakanteng lamesa sa tabi ng bintana ng canteen at medyo nasa dulo ito, hindi rin ito masyadong pansinin kaya naman laking tuwa ko dahil siguradong makaka-kain ako ng maayos. Kung titignan ay mas malaki at mahaba ang lamesang ito sa ibang mga lamesa na nandito sa canteen. Nakakapag takang walang nakaupo dito dahil maganda naman ang pwesto dito.

Nagka mali ako ng sinabing hindi ito pansinin dahil pagka upo ko palang dito ay nagsi lingunan na ang mga estudiyante sa gawi ko at animo'y napapa singhap pa ang mga ito. Umingay ang canteen at nag simulang mag bulungan ang mga ito.

Ano bang problema nila?

Hindi ko nalang pinansin ang mga tingin at bulungan nila at nag simula na akong lantakan ang mga binili kong pagkain.

Takte ang sarap!

Hindi ko alam kung gutom lang ba ako o talagang masarap nga ang pagkain nila dito. Sino kayang chef nila? *O*

Ang sarap ng mga pagkain kaya naman hindi ko maiwasang mapangiti habang kumakain. Ito ata ang magiging paborito kong memory dito sa eskwelahan nila ang kumain ng masasarap na pagkain dito sa canteen.

"Woah she's cute." Napatigil ako sa pag subo nang bigla kong marinig yan. Nakayuko ako at pansin kong tumahimik ang kaninang parang palengkeng canteen.

Dahan dahan akong nag angat ng tingin at bigla kong nalunok ang natitirang pagkain sa bunganga ko kaya naman nasamid ako.

*cough*

"H-hey miss are you okay? Here drink water." Agad kong kinuha ang tubig at diretsong ininom iyon. Sino ba naman kasing hindi masasamid kung pag angat mo ng tingin ay makikita mong may apat na lalaking nag gwa-gwapuhan sa harap mo!

Oh God talaga bang required na gwapo at magaganda ang students dito? Wala pa akong nakikitang panget eh. Pero ang apat na ito, nag s-stand out ang ka gwapuhan nila.

Hellven Academy #MSAwards 2018-2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon