Chapter 8:
Miyuki P.O.V
"Ugh!" Mahinang daing ko nang masipa ako sa likod ng mga nilalang na sumusugod sa amin ngayon.
"Labs ayos ka lang?" Nag aalalang tanong sa akin ni Silver pero hindi ako sumagot at nag madali agad akong tumayo nang makitang may susugod din sa likod niya.
"Yuko!" Sigaw ko kay Silver at mabilis naman itong sumunod tsaka ko kinontrol ang isang sanga at mabilis na pinuluputan ang rouge monster na susugod kay Silver at ibinalibag ito sa puno. Nature is my mojo.
Tama ako. Rouge monster nga ang mga ito, minsan ko ng nabasa ang tungkol sa kanila at mabibilis ang kilos ng mga ito. Ayon sa nabasa ko maihahalintulad sila sa mga ninja dahil sa bilis ng kilos nila at dahil hindi mo talaga mararamdaman ang kanilang presensya.
That's why I wonder how Saiko feel their presence?
Masyadong malakas ang pakiramdam niya.
Bago pa man namin sila makita ay nakaka atake na sila dahil para lang silang tinatangay ng hangin pero mabilis naman kaming nakakabawi at mabilis din namin silang napapatay. Maliliksi silang kumilos but they are fragile kaya mabilis din namin silang natatalo.
Napatingin ako sa mga kasama ko at kitang may mga galos ang mga ito maliban sa isa.
Saiko.
Kita ko ang galing at bilis niya sa pakikipag laban at nakakapag takang mukha pa itong nasisiyahan sa ginagawa niya.
"Hey where are you going?!" Sigaw ni Caden kay Saiko dahil tumakbo ito sa isang puno pero hindi niya pinansin ang tanong ni Caden.
Mataas itong tumalon at sumabit sa sanga hanggang sa hindi na namin siya makita dahil sa mga malalagong dahon ng puno.
"What the fuck is she real?" Hindi makapaniwalang tanong ni Cider.
"Woah my noona is so cool." Manghang sambit ni Blaster habang nakangiti ng malapad.
"Yeah. She's not just an ordinary girl." Pag sang ayon naman ni Silver at kahit ako'y namamangha sa ipinapakitang lakas ni Saiko sa pakikipag laban. Partida hindi pa siya gumagamit ng mojo sa lagay na yan.
Maya-maya pa ay malakas na gumalaw ang mga dahon ng puno at nagulat nalang kami nang biglang tumalon pababa si Saiko hawak ang isang Rouge. Mukhang ito ang leader nila.
"What the heck! Don't jump like that again." Sita sa kaniya ni Caden.
"Hindi naman ako nasaktan." Nakangiting sagot naman ni Saiko.
Kita ko ang pagkurap kurap ng mata ni Caden at tsaka ito nag iwas ng tingin.
Weird.
"Sino yan?"
"Siya ang leader ng mga nilalang na umatake sa atin." Sagot ni Saiko sa tanong ni Silver.
"Then lets kill him now." Mabilis na sabat ni Caden at nag palabas ng itim na usok sa kamay niya.
Dark soul smoke. That is one of his mojo. Sa oras na madikitan ka ng itim na usok na yan ay unti unting hihigupin nito ang iyong kaluluwa.
"Caden no." Pigil ko sa kaniya dahil pag ginamit niya iyon ay manghihina siya. Ngunit huli na dahil pinakawalan na niya ang usok sa kamay niya at mabilis naman itong lumapit sa Rouge.
Wala pang ilang segundo ay tumumba na ang Rouge at mabilis na nag laho.
"Aahh!"
"Saiko!" Sigaw ni Caden at mabilis din namin itong dinaluhan.
BINABASA MO ANG
Hellven Academy #MSAwards 2018-2019
Mystery / ThrillerI was twelve years old when I first saw him. A figure of a man wearing a dark torn robe with a hood covering his face. His hands are pale as if it has never seen the sun. I was just staring at him not until I saw myself walking towards him. To my cu...