Chapter 3:
Saiko P.O.V
Agad akong nahiga sa kama pagkapasok ko sa kwarto. Huminga ako ng malalim habang nakapikit at muling iminulat ang aking mga mata.
Naibaling ko ang aking ulo sa lamesa na nasa gilid ng kama at nakita ko doon ang kwintas. Umupo ako sa pagkakahiga at isinuot ito.
Ito nanaman ang kakaibang pakiramdam, kapag sinusuot ko ang kwintas na ito.
Weird pero parang nagiging refreshing yung pakiramdam ko. Parang may dumadaloy na kung ano sa katawan ko.
"Ugh! Mababaliw na ata ako. Kung ano anong iniisip ko." Mahinang sambit ko.
Naalala ko nanaman yung nangyari kanina sa canteen. Hindi ko maipag kakailang napaka gwapo ng apat na lalaking iyon. Tanga lang ang babaeng mag de-deny sa katotohanang iyon.
MABILIS na lumipas ang gabi at namalayan ko nalang na ala-sais na ng umaga at 7:30 ang start ng klase ko. Nag inat muna ako at kahit tinatamad pa'y bumangon na ako at dumiretso sa banyo para maligo.
Pagkatapos kong maligo ay isinuot ko na ang uniporme na ibinigay ni principal kahapon. Palda ito na above the knee kaya naman nag suot ako ng maliit na short, samantalang ang sa pang itaas naman ay long sleeve na blouse at ribbon ang parang nectie nito. Tinernuhan ko ito ng high socks na kulay puti at black shoes na medyo may heels pero mababa lang ito para hindi ako mahirapang mag lakad o tumakbo.
Sinipat ko ang sarili sa salamin at nakitang babaeng babae ang dating ko sa suot kong uniform. Itinago ko sa loob ng long sleeve na blouse ko yung kwintas para hindi ito mapansin. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko at nag lagay lang ako ng powder sa mukha. Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng dorm.
Medyo madami naring estudiyante ang nasa labas at ramdam ko nanaman ang mga tingin nila.
Masasanay ka din Saiko ngayon lang yan. Pangungumbinsi ko sa sarili ko.
Hindi naman ako sanay mag breakfast kaya naman dumiretso na ako sa room ko na nasa second floor pa. Pangalawang araw palang ng klase kaya naman kampante ako na hindi ako mahihirapang humabol dahil malamang ay puro introduce your self palang ang ginawa nila kahapon.
"Legendary Section." Basa ko sa sign na naka dikit sa pinto at tinignan ko ulit ang section na nakalagay sa schedule ko. Nang makita kong tama nga ang room na pinuntahan ko ay binuksan ko na ang pinto at pumasok na sa loob.
Wala pang tao sa classroom kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Sobrang aga ko naman ata. Agad din akong lumabas ng classroom pagka baba ko ng bag ko sa upuan na napili ko upang mag libot libot muna.
Hinayaan ko lang na dalhin ako ng paa ko sa kung saan at ngayon ko lang napansin na napaka ganda talaga ng eskwelahang pinasukan ko. Malaki ang fountain sa mismong gitna ng Campus na siyang bumungad sa akin kahapon pagka pasok ko sa gate pero hindi ko ito napag tuunan ng pansin dahil nahihiya ako sa mga estudiyanteng nakatingin kahapon.
Napadpad pa ako sa isang malawak na field na siya sigurong pinag pa-praktisan ng mga athlete dito.
Ano kayang pwedeng salihang sports?
May mga puno sa paligid ng field at mga bleachers sa pagitan ng mga puno. Tiyak na magandang tumambay doon dahil hindi ito maaarawan dahil sa mga puno. Napunta din ako sa social hall nila at halos mapanganga ako sa ganda nito.
Sobrang lawak at sa loob nito ay may parang hagdan sa magkabilang gilid na ginawang bleachers.
Magkatabi lang ang girls at boys dormitory. Hindi rin nalalayo ang canteen nila sa mga classroom building na hanggang 3rd floor. Sementado ang bawat daan maliban sa field na bermuda grass ang daan.
Pumunta ako sa likod ng building para tignan kung may iba pa bang building dito pero sa halip na building ay garden ang nakita ko.
"Wow." Namamangha kong usal sa sarili. Hindi ako mahilig sa mga bulaklak pero kahit sino ay mamangha sa ganito kagandang garden.
May glass na naka harang dito kaya naman kita parin ang mga bulaklak sa loob nito. May pinto rin dito at may nakalagay na sign na "DO NOT ENTER" kaya naman hindi na ako sumubok pang pumasok dahil hindi rin naman ako mahilig sa bulaklak at baka maka sira pa ako na kung ano mang meron don sa loob.
Nag palinga linga ako sa paligid at napansin ko ang isang madilim na daan dahil hindi ito nasisinagan ng araw dahil sa matatayog na puno.
Napangiwi ako ng makita ulit ang sign na "DO NOT ENTER" lahat nalang ba bawal puntahan?
Nacu-curious ako kung anong meron sa loob pero mas pinili ko nalang na tumalikod at bumalik na sa classroom.
Nag simula na akong mag lakad pero napatigil ako nang biglang may sumitsit at talaga namang nag tayuan ang mga balihibo ko kaya naman kahit hindi ako maka galaw sa kinatatayuan ko ay buong pwersa akong tumakbo pabalik sa classroom.
Wala akong pakialam sa mga nag tatakang tingin ng mga estudiyanteng nadadaanan ko dahil ang makarating sa classroom ang tanging nasa utak ko ngayon.
Agad na binuksan ko ang pinto ng classroom namin pagkarating ko at nang hihinang napasandal ako sa pinto at napapikit. Grabe ang kabog ng dibdib ko dahil sa takot kung sino mang pesteng sumitsit na yon!
Peste talaga ayaw na ayaw ko yung sinisitsitan ako dahil creepy ang dating nito sa akin!
"Ya! You're the girl last night right?" Napamulat ako ng mata at napakurap kurap upang alamin kung totoo nga ang nakikita ko sa harap ko ngayon.
Siya yung lalaki kagabi. Yung cute na lalaki na mukhang koreano!
Iginala ko pa ang mata ko at nakita yung tatlong kasama nya nasa loob ng classroom at nag tatakang nakatingin din sa amin. Pero napahinto ang mata ko kay Caden nang mag tama ang paningin namin.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko at mukhang normal naman ako ngayon. I mean hindi ako nakaramdam ng pang hihina katulad ng naramdaman ko nung una ko siyang makita kahapon at kagabi sa canteen.
Napahinga ako ng maayos dahil don. Pero nakagat ko ang ibabang labi ko at napayuko.
Tama ba ang classroom na napasukan ko?
Napapikit ako ng mariin at muling nag mulat, dahan dahan kong binuksan ang pinto at tinignan kung tama ang classroom na pinasukan ko.
Muli akong napahinga ng maluwag nang makitang Legendary section nga ito at tama ang classroom na pinasukan ko.
Isinara ko ulit ang pinto pero napalunok ako ng makita ang mga nag tataka nilang tingin at napa tampal nalang ako sa noo nang mapag tanto ko ang lahat.
"Kaklase ko kayo?!" Hindi mapigilang sigaw ko na ikina gulat nila at ng lalaking nasa harap ko.
"Yes noona isn't that great?" Nakangiting sagot at tanong ng lalaking kaharap ko ngayon.
Noona? Saiko ang pangalan ko at hindi noona >__<
"Ah hehe S-Saiko ang pangalan ko at hindi noona." Nahihiyang sambit ko dito at nag tataka naman itong tumingin sa akin at maya maya pa ay sabay silang tumawa nung isang lalaki, habang nag pipigil din ng tawa yung isa samantalang nakakunot lang ang noo ni Caden na nakatingin sa amin.
Pinagtatawanan ba nila ang pangalan ko?!
"Hahaha noona means hahaha big haha sister in korean hahaha your so funny Saiko noona"
>/<
Halata ngang funny ako kanina pa sila tumatawa eh. Malay ko bang yun ang ibig sabihin non mga letse!!!
BINABASA MO ANG
Hellven Academy #MSAwards 2018-2019
Mystery / ThrillerI was twelve years old when I first saw him. A figure of a man wearing a dark torn robe with a hood covering his face. His hands are pale as if it has never seen the sun. I was just staring at him not until I saw myself walking towards him. To my cu...