12 | narration

1.3K 62 17
                                    

"Huy, tama na yan!" saway ni Jeno sa kaibigan niya pero tuloy parin siya sa pag-inom. "Eng swaket kashi eh! Awno bwang nagwa kong maleee?" lasing na tanong ni Mark. Halos mag-11 na ng gabi pero nandito parin sila sa bar. "Hyung, lasing ka na eh. Tara na nga, iuuwi na kita." sabi ni Jeno saka inalalayang tumayo si Mark pero naiwan siyang nahihirapan dahil sa pagpupumiglas ng kaibigan.

"Eyoko! G-Gushto kow shi Kowyun ang mwag-uuwi s-shakin!"

Pinigilan ni Jeno na matawa dahil sa pagsasalita ng kaibigan. Kailangan niya muna itong iuwi kasi gabi na.

"Ako na dyan, Jeno." sabi ng isang lalaking kararating lang sa puwesto nila. Naguguluhan siyang tiningnan ni Jeno.

"Donghyuck? Sigurado ka?"

Tumango naman ito tapos inakay si Mark sa kanyang braso. "Sige na Jeno, makakaalis ka na." tinanguan naman siya nito saka umalis na. "S-Shino kwa? R-Reypist kwa bwa?" tanong ni Mark. "Lasing ka na nga, feelingero ka pa." mahinang sabi ni Haechan.

"Awlam mwo, kamukwa mwo yung b-beshprend kwo dati."

Tumawa naman si Mark. "D-Donghyuck awng pangawlan nun."

"Dwahil kay Kowyun, kawya kami n-nag-away."

Ngumiti lang ng mapait si Haechan at saka isinakay si Mark sa kotse niya. Kahit medyo mabigat siya, nagawa parin niyang isakay.

"Pwero n-nakipag-hewalay shi Kowyun shakin dawhil kway D-Donghyuck."

Huling sabi ni Mark saka nakatulog na. Naiwan si Haechan na tulala.

"Kasinungalingan."


√ | ex-bestfriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon