Haechan's point of view
Ay punyeta naman oh! Baka puntahan pa ako ni Mark dito! Narinig ko namang kumalam ang sikmura ko kaya napakamot ako sa ulo ko. Bahala na nga! Gutom na gutom na ako.
Pagkarating ko sa cafeteria, sakto naman at wala pa si Mark. Matagumpay akong ngumiti saka nag-order na ng makakain. Tatlo lang kaming tao dito, ako, si Herin at si Hina.
Ay sakto, mga 'H' huehuehue. Baka malito si Mark pagdating niya. Hindi na siguro masama to. Hindi na niya ako mabibisto. Prente lang akong nakaupo habang kumakain. Lakompake sa dalawang 'H' na nasa kabilang lamesa. Nginitian naman nila ako at nginitian ko naman sila pero agad ko namang itinuon ang atensyon ko sa pagkain.
At mga bes, hindi ko parin makalimutan yung halik ni Mark. Asdfghjkl! Lalaki ako! Hindi dapat ako magpaapekto!
---ay charot joke lang huehue. Straight kasi ako okay? Pero hindi ako straight pagdating kay Mark.
Speaking of Mark, nandito na nga siya sa cafeteria kaya parehas kaming tatlo na napalingon sa kaniya.
Halatang hinihingal pa nga siya oh. Nakita ko namang kumunot ang noo niya kaya pinigilan ko namang matawa sa reaksyon niya. Pft, mukha talaga siyang asungot.
Tingnan lang natin kung mahahanap niya kung sino si Hera.
BINABASA MO ANG
√ | ex-bestfriends
Fanfiction❝yang si mark lee? nako, pahumble lang yan pero mas makapal pa mukha niya kesa sakin.❞ NCT'S MARK AND HAECHAN EPISTOLARY AND NARRATION [COMPLETED] date started : may 21, 2018 ended : may 26, 2018