"Bakit ka nandito?" pagtataray ni Haechan sa isang lalaking nakatayo sa tapat ng pamamahay niya. "Diba sabi ko sayo na susunduin kita?" nakangiting sagot ng lalaki. "Papunta na si Renjun ngayon. Wala kang mapapala sakin." sagot din ni Haechan.
"Bakit ka ba ganyan, Donghyuck? Pinagtatabuyan mo na ako."
'Kung maka-pout, akala niya cute siya. Sus, mukha nga siyang nabugbog na bibe eh.' sabi ni Haechan sa isipan niya. Alam naman nating nagbibiro lang siya. Ang totoo kasi niyan, kating-kati na yung tit---este yung kamay niya na kurutin ang pisngi ni Mark.
"Papunta na kasi si Renjun dito kaya lumayas ka na." pagtataboy ni Haechan kay Mark pero hinawakan niya lang ang kamay nito. Hinila naman ni Mark ang nakasimangot na Haechan papasok ng bahay. Wow, feeling at home lang kyah?
"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" pagpupumiglas ng isa diyan. Hinila naman ni Mark si Haechan papalapit sa kaniya, halos magkiss na nga sila sa lagay na yan eh. Nanlaki ang singkit na mata ni Haechan---o singkit ba talaga siya.
"Kung hindi mo ako bibitawan, sisigaw ako ng rape!" pagbabanta ni Haechan ngunit nanatili lang na tahimik si Mark.
"Isa!"
"Dalawa!"
"Tatlo!"
"RAPE! RAPE! TULUNGAN NIYO----"
Pinutol naman ni Mark ang sigaw ni Haechan sa pamamagitan ng isang halik sa labi. "Ayan, tumahimik ka na ah? Oa mo." sabi ni Mark saka umupo sa couch, hindi parin binibitawan ang kamay ni Haechan.
Para namang estatwa si Haechan na tulala lang at naninigas ang ano---hehehe charot. Hoy! Ano iniisip niyo? Naninigas kasi ang katawan niya, kayo ha!
"So ang gagawin natin ngayon, hihintayin nating dumating si Renjun. Kapag lumagpas ng one hour, sasamahan mo akong mamimili ng mga gamit."
"And oh, I don't take 'ayoko' for an answer." dagdag ni Mark. Para paring timang si Haechan. Nakatulala lang, hindi ata maka-move on sa halik. Sus, if I know wala talaga yung meaning. Walang poreber tandaan niyo!
Lumipas naman ang mga segundo, minuto at umabot nalang sa one hour pero hindi parin dumating ang kaibigan ni Haechan.
"Sabi mo dadating?"
'Puta, where are you now that I need you bakla.' isip parin yan ni Haechan.
"Edi wow. Sige na nga, tayo na."
"Tayo na? Wow, hindi pa nga kita nililigawan eh." natatawang sabi ni Mark kaya hinampas siya ng libro ni Haechan. Teka saan nanggaling yung libro?
"Siraulo! Diyan ka na nga!"
Lumabas si Haechan ng bahay na nakangiti. Kinikilig ba siya?
Ay tanga, halata nga naman.
BINABASA MO ANG
√ | ex-bestfriends
Fanfiction❝yang si mark lee? nako, pahumble lang yan pero mas makapal pa mukha niya kesa sakin.❞ NCT'S MARK AND HAECHAN EPISTOLARY AND NARRATION [COMPLETED] date started : may 21, 2018 ended : may 26, 2018