Zariah's P.O.V
Malaki.Napakalawak.Maaliwalas.Simple.Payapa.
Yan ang pinakamagandang description ng kwartong tutuluyan ko rito.At base sa pintura nito ay kala mo alam na alam na nila kung sino ako dahil black and white ang theme nung kwarto.My favorite colors.May dalawang pintuan sa loob ng kwartong toh.Pagbukas ko ng unang pinto ay walk in closet ito at ang pangalawa naman ay bathroom.May sarili rin akong mini ref dito na may lamang tubig,juice,snacks at sa freezer nito ay may half gallon na ice cream and chocolates.May sofa na paikot at maraming throw pillow sa gitna.Nasa may bandang paanan iyon ng queen sized bed ko.At sa tapat naman ng round sofa ay i think 49 inches flat screen tv.May speaker din dito.Mayroon ding mga instruments na alam kong tugtugin like guitar,electric piano and drums.
They really know my hobbies and favorites.This room even have a bookshelf. Waaaaahh...mabubuhay na ko dito kahit di ako lumabas.
Knock....knock....knock
“Ms.Zariah??it's dinner time.I'll guide you to the dining hall"boses iyon ni Cisko
“Okay,just wait a minute I'll just fix myself" sabi ko
“No need to fix yourself lady.You'll still look gorgeous" sabi niya
“You're funny"sabi ko sabay tawa at lumabas na ng kwarto.Nakita ko naman siyang nakangisi.
“Let's go now.Which way??"tanong ko
“This way lady"sabi niya at nanguna na sa kanang bahagi ng hallway na toh.
Bumaba kami sa second floor dahil nasa third floor ang kwarto ko at ng guardians. Binuksan ng dalawang parang guwardiya ang malaking pinto at bumungad sa amin ang napakahabang mesa na sa tingin ko ay kakasya ang 30 katao.
“Since the chosen one is already here.Let's start eating"sabi ni Great Guardian Max.
Pagkasabi non ni Great Guardian Max ay nagpasukan ang mga maid habang nakapila at may dalang iba-ibang putahe.Mukhang mapaparami ang kain ko nito ah.
Habang nasa kalagitnaan na kami ng aming pagkain ay tumikhim si Great Guardian Gerald.Siya yung nakaupo sa brown chair.
“Dear Zariah.Bukas ay maguumpisa ka na ng iyon training sa ilalim ng mga chosen guardians"dahil sa sinabi niya ay napanganga ako.Di pa ako ready.
“Huwag kang mag-alala.Basic pa lang ang ituturo nila sayo"si Great Guardian Leon.
“Okay po"sabi ko at ngumiti
“Sa tingin ko ay tapos na kayong kumain.Magsibalik na kayo sa inyong mga silid at magpahinga"sabi ni Great Guardian Max
“Okay po"sabi naming lima except kay Jillintor at sabay-sabay ng tumayo at tumungo sa aming mga silid.
Habang naglalakad ay hindi kami nagpapansinan dahil na rin siguro sa pagod.
Papasok na sana ako ng aking kwarto ng may humawak sa siko ko at hinila ako paharap sa kanya.
“J-J-Jillintor"nauutal ko tawag sa kanya.Nakakatakot kasi tong lalaking toh.
“Prepare yourself for tomorrow's training.I'm going to make sure that you will suffer"pagkasabing-pagkasabi niya noon ay pumasok na siya sa kwarto niya na katapat ng kwarto ko.
Naiwan akong nakatitig sa pinto ng kwarto niya.Mukhang kailangan ko nga talagang maghanda dahil seryoso siya sa pagkakasabi non.Nabibwisit na talaga ako sa lalaking yun.
Aaaaiisshh
Pumasok na ako sa kwarto ko at naglinis ng katawan at nagtoothbrush.Pagkatapos noon ay humiga na ako sa aking kama at inisip ang mga maaaring mangyari bukas at sa mga susunod pang araw.Kinakabahan ako dahil baka hindi ko magampanan ang responsibilidad ko sa planetang ito.Kaya dapat lang na harapin ko kung ano mang pagpapahirap ang gawin ni Jillintor sa akin para mapalakas ko ang sarili ko at biglang paghahanda na rin.
Tomorrow will be a tough day i should rest.
Unti-unti ng bumigat ang mga talukap ng mata ko and then i fell into deep slumber.
°_°_°_°_°_°_°_°_°_°_°_°_°_°_°_°_°_°_°_°_°
Author's Note:
Another update!!!!
Please continue on supporting, voting and commenting in my stories.Also please check out my other story entitled Hex Academy:School of Enchant.Please support it just like how you support this story.Thank you very much!!!!Love Lots♥♥♥
-iamcute_kyungie-
YOU ARE READING
Stuck With Five Handsome Aliens
Ficção CientíficaWhat if you accidentally encountered an alien?? What will you do?? And more important is.... Do they really exist??
