CRUSH AT FIRST SIGHT
✴----------
"Akisha Rhea Torres" She glared at me as she was shouting my name. Napikon si mama sakin kaya ayan napatawag sa kumpleto kong pangalan.
I gave her a quick peck on the cheek and ran towards the door. Before I could leave, She called me once again, walked towards me and gave me her sweetest hug.
My mother was the only family i have right now. I didnt see my dad ever since i was born. He is an American who lives in California. Yes, i am half american. Ang sabi ni mama, he left us daw nung buntis pa siya sakin. Since then, si mama na lamang ang palagi kong kasama at kasangga sa lahat ng problema. I dont just treat her as my mother, but as my bestfriend as well. She's there in my ups and downs. Life is not an easy journey, I am blessed i still have a mother with me who love me. But despite all, i am still longing for love. Love that could fill the missing piece of me. Love that could replace to joy and happiness the emptiness in me. Love of a father who is mising for 17 years.
.
.Naglalakad na ako papunta sa sakayan ng jeep. As usual ang taas na naman ng pila. Ang layo pa naman ng school. Haay naku Lord kailan ba kami magkakaroon ng sarili naming sasakyan? First day na first day sa school imbyerna agad. new school ko pa naman to.
Yes today is the first day of school. Im a Senior High School student, 17 years of age. And I transferred in Shimmerville Academy. One of the biggest , nicest and expensive school in the country. Gusto ko talaga kasing makapasok sa school na to. At sa awa ng dios nakakuha ako ng scholarship. Di biro makapasok sa school na to. Ang tataas ng standards at ang hirap ng mga subjects. Dahil scholar nga ako, dapat wala akong grades na below 90. Buti nalang at matalino ako. Hindi sa pagmanayabang, pero talagang parati akong top 1 sa klase. Yan lang ang tanging meron ako. Bukod sa pagiging maganda syempre hindi naman kasi ako mayaman noh. Sumang-ayon naman kayo! Hahaha
Natauhan naman ako nang may nagsalita. "Miss may isa pa!" Sabi ni kuya konduktor ng jeep
Ang dami ko kasing nakwento ayan tuloy, tulaley ang peg ko. Hahah
Sumakay na ako ng jeep. All eyes are on me. Hindi nato bago sakin eh, kasi sa tuwing sumasakay ako ng jeep talagang pinagtitinginan ako. Nung una nagtaka talaga ako kung bakit, hanggang sa tinanong ako noon ng isang babae kung bakit daw ako nagjejeep. At akalain nag eenglish pa si ate nun!. Foreigner daw kasi mukha ko.. Haay naku kesyo mukhang amerikana, di na pwede magjeep? Ang OA ng mga tao. Pero nag eenjoy din naman kasi ako. Kasi sinasakyan ko rin yung mga trip nila at ineenglishan ko rin sila with accent pa para kunwari taga ibang bansa talaga ako. Hahaha ang sama! Cge na pagbigyan nyo naa 😂 haha
So ayun nga i arrived in school. I walked in the gate confidently. Ang ganda ko kasi.. wag kayo! Hahah gate palang nahinto na ako sa laki ng school! 😱. Kulang ang isang buwan siguro para malibot ko to. Totoo! Grabeh ang gagara din ng mga sasakyan ng mga estudyante dito. Makikita talgang laki sa yaman.
Pumasok na ako. Sa Auditorium ako pupunta dahil may orientation man lang ata. At half day lang kami ngayon. Kasi lam nyo na first day pa ng klase. Alangan naman deretso sila sa mga lesson noh. Bilib ko nalang.
Nasa pintuan na ako ng elevator ng nabasa ko yung sign na close daw ang elevator kasi e rerepair pa daw. Talagang napapikit ako sa inis. Laki-laki ng skwelahan, eh hindi ma ayos-ayos yung elevator. Akalain nyo nga namang nasa 6th floor pa yung Auditorium. It'll take forever to walk up on stairs. At hindi ako physically fit para mag hagdan. Iniisip ko palang napapagod na ako. Cge na nga lang baka may ma boy hunt ako dito. Haha
Just when Im about to take the stairs, lumaki ang mga mata ko at nag ningning nang may makita akong vitamin sa mata. Grabeh ang gwapoo 😍 I saw a tall guy wearing black shirt with his friends walking up the stairs. Ang gwapo niyaa! Ang tangos pa ng ilong. May lahing taga ibang bansa eh. May kasama siya mga gwapo din at may mga lahi din pero para sakin siya yung nag stand out eh. Hindi naman masyadong halata na nagboboy hunt ako dito. Madali kasi akong maattract sa lalaki. Crush at first sight kumbaga. Crush lang! Hindi naman kasi ako naniniwala sa Love eh. Kasi hanggang ngayun hinahanap ko parin yan.
BINABASA MO ANG
Sky's Not The Limit
RomanceAn average young girl comes into an unexpected fortune. She was happy she could finally reach up the level of her ultimate crush who is one of the richest in their school. But Not all fortunes are good. Sometimes discovering a fortune will destroy y...