ONE SLICE PIZZA
✴----------
Today is the official start of our class. Tapos na mga mga seminars at orientations kaya eto may klase na.
Im currently here nagaabang ng jeep. As usual nakikipila na naman para makasakay. Siksikan na naman ako neto. Haggard na naman ako neto. Hay nako! Kesa naman hindi ako makapag-aral noh. Titiisin ko nalang.
I finally arrived in school. At dahil ang laki ng school, malayo-layo pa ang lalakarin ko papuntang second building kung saan naroroon ang classroom namin. I was half way when i heard someone calling my name. I turned to look who is it and it was Yesha running towards me.
"Grabeh naman Akisha kanina pa ako tawag ng tawag sayo ah. Bingi ka ba!? Sakit na ng lalamunan ko!" Sabi niya habang hingal na hingal.
"Sorry naman. Malayo ka lang kasi kaya hindi kita narinig."
"Tara sabay na tayo." Then we both headed to the second building together.
Dahil may elevator na. Salamat at na repair na kung hindi mag hahagdan na naman kami neto.
Nasa loob na kami ng elevator. Pero hindi pa ito nasira dahil may pumapasok pa. Dahil kami yung unang pumasok, nasa pina likuran kami ng elevator. Nang pasara na yung elevator someone pressed the button open para makisakay. Buti nalang at hindi pa puno yung elevator.
Nag kuwentuhan lang kami ni Yesha. Kami lang yung maingay sa loob. Eh wapakels din naman kami. Eh bakit ba. Binigyan tayo bg bibig para magsalita noh.
Nagsilabasan na ang mga kasama namin sa elevator 3rd floor palang. Tatlo nlng kami ni Yesha at nung isang lalaking matangkad at..... 😱 O___O SI KUYA NAKA BLAACK!
Kaya pala pamilyar yung likod nya. Omg! Bakit ngayun palang nag sink sakin? Naka uniform na kasi siya. Nasa unahan kasi siya kaya hindi ko nakita kaagad. OMG!! ihinto nyo yung elevator. Dapat ma trap kami dito please haha. Joke lang. Nasa 5th floor pa ang classroom namin. may isang floor pa ako para makasama si crush.
Siniko ko si Yesha na busyng busy sa Cellphone niya.
"ANO!?" Pasigaw na tanong niya. Kaya napalingon si kuya naka black pero agad din naman itong binawi. Napa face palm tuloy ako. Tanga tanga talaga.
Nakita naman ni Yesha kaagad ang pag lingon ni kuya nakablack at nakita kung sino ito. Nanlaki mga mata nya at nag peace sign na tumingin sakin.
Pinadilatan ko lang siya. Nasa 4th floor pa kami nang bumukas ang elevator at may mga estudyanteng pumasok. Kaya nagsiksikan kami sa loob. Umatras naman si kuya naka black. Kaya ang lapit na niya sakin!. 😍
Nasa unahan ko lang siya kaya lang nakaharang sa magandang likod niya ang kanyang bag. Pero ang bango pa rin. Ang tangkad pa rin. Nasimot ko na siguro lahat ng pabango niya wala nang natira sa katawan niya. Hahaha ang landi
Nung bumukas yung elevator, nasa 5th floor na pala kami. Just when i saw a nameplate sticked into his bag.
-Dan- thats what is written!. So Dan is his name?. Omg! I already know his name. Napahampas ako kay Yesha! Kaya lahat sila nagtinginan samin. Pinandilatan lang ako ni Yesha hanggang sa nakalabas na kami ng elevator. Sa 5th floor din pala bumaba si Dan. Wooy Nakiki Dan na! Hindi na kuya naka black tawag! Haha Dan Dan Dan dalandan 🎶 HAHAHA
Nag akma akong sundan si Dan kaya lang hinarangan ako ni Yesha saka hinablot.
"Wala diyan yung classroom natin tanga!. Malalate tayo nyan!" At talagang ang taas pa ng boses nitong babaeng to.

BINABASA MO ANG
Sky's Not The Limit
Любовные романыAn average young girl comes into an unexpected fortune. She was happy she could finally reach up the level of her ultimate crush who is one of the richest in their school. But Not all fortunes are good. Sometimes discovering a fortune will destroy y...