HIS PRINCESS
✴-----------
"Akisha!" Tawag sakin ni Yesha. Kakapasok ko lang sa campus. Nakita niya siguro ako.
"Bat ka ba sumisigaw?" Iritang tanong ko agad sa kanya.
"Malamang! Hindi mo ko maririning kung di ako sisigaw tanga!" Sabi naman nya. Oo nga naman noh?
(Mind: akala ko ba matalino ka Akisha? Bat ang tanga mo?)
Huy isip!kung tanga ako, ano ka?. Parte ka kaya ng buong pagkatao ko!.
Sabay na naman kaming pumasok ni Yesha. Ang galing talaga ng pagkakataon at parati kaming magkasabay pumasok. Parihas siguro kami ng time management. Haha
6:40 palang at 7:30 pa klase namin. Oo ganyan kami kaaga pumasok. Kailangan kasi maaga kasi malayo-layo din naman tong school namin at para iwas traffic din.
At dahil maaga pa nandito kami sa tamabayan namin kapag maaga at matagal pa klase namin. Nasa 5th floor sa isang corridor malapit sa hagdanan. May mga bench kasi sa bawat corridor ng floor. At dahil nasa 5th floor yung first subject namin kaya dito narin kami tatambay.
Nagkwentuhan lang kami ni Yesha. Na topic na siguro namin lahat ng pwedeng ma topic. Kahit yung kulay ng kuko ni Ms. Mendez na topic na rin namin. Pero natigil ako nung may umakyat sa hagdanan at nakita ko kung sino. Si dan lang naman kasama si France at dalawang tropa niya.
Nakatalikod si Yesha kaya ako lang ang nakakakita. Kaway ng kaway si Yesha sakin kasi hindi na ako kumibo. Nakipag titigan lang ako sakanya. Omg! Dapat patay malisya ka lang Akisha. Wag kang lumingon!.
"HUY! Para kang tanga! Kanina pa ako nagsasalita dito pero nakikipag titigan ka lang diyan" sigaw ni Yesha at napalakas talaga yung boses niya. Kaya parang napansin nila Dan. Naku naman!
Nakita ko naman sa peripheral vision ko na papalapit sila samin. Shit! Bahala na basta Wag ka na lang lumingon Akisha.
"Akisha right?" Tanong agad sakin ni Dan pagkalapit niya. Kaya nakatingala ako ng wala sa oras. Nakaupo kasi ako at nakatayo siya kaya kailangan ko pang tumingala para makita siyaa. Si Yesha din napaangat at parang na glue at natigilan kami pareho dahil nakita din niya si France sa likod ni Dan. "Remember the deal we had yesterday? Yung Biology book, ibibigay ko na sayo ngayon. I already photocopied the parts i needed and you can have it na" he said at nag akmang abutin yung bag niya sa likod.
"H-ha!? Kasi ano eh. Nagmamadali kasi kami kasi late na kami sa klase." Sabi ko at nagmamadaling tumayo at hinablot si Yesha. "Mamaya nalang uwian kukunin ko yan sayo. Magkita tayo sa may entrance mga 4:30" sabi ko pa bago tuluyang umalis.
Kinaladkad ko na si Yesha papuntang classroom nun. Pagkarating namin sa labas ng classroom agad naman akong iniharap ni Yesha sa kanya.
"Ano yun? Panong nagkilala kayo? Tsaka bat hindi mo kinuha yung libro? Huy Akisha anong late eh 7:10 palang oh. Hindi pa nga bukas classroom natin eh. Maguguluhan ako!" Deretso at sunod-sunod na tanong niya sakin.
"Kahapon kasi nung nag library ako parehas kaming librong kinuha. At nakipagdeal ako na siya nalang hihiram at kukunin ko yung libro ngayong hapon pagkatapos niya." Pag eexplain ko.
"Oh bat hindi mo kinuha?" Takang Tanong niya.
"Eh kasi kapag nabigay niya na yung libro edi yun tapos ang usapan. Wala na kaming commu diba? Hindi na ako makakahanap ng paraan para makausap siya. Strategy ko yun ano ka ba! Tsaka may plano ako" *wenk" Papapatuloy ko.
BINABASA MO ANG
Sky's Not The Limit
RomanceAn average young girl comes into an unexpected fortune. She was happy she could finally reach up the level of her ultimate crush who is one of the richest in their school. But Not all fortunes are good. Sometimes discovering a fortune will destroy y...