Chapter 1 ♥ Fated Destiny

257 13 11
                                    

Kiara's POV

Medyo kabado akong pumasok sa loob ng school namin. Dahil bukod sa First Day ko bilang isang Grade 12 Senior Highschool student , hindi ko pa nakikita yung mga kaibigan kong kapag nagsama-sama ay dadaigin pa ang isang daang crowd sa ingay nila.

Isang white shirt na may nakasulat na Kiara sa bandang kanang manggas ko at simpleng jeans lang ang suot ko. Isama pa ang Puti at maliit kong korean bag na kasalukuyang naka sukbit sa dalawang balikat ko.

Dahan-dahan akong naglalakad sa corridor patungo sa Bulletin Board kung saan kasalukuyang nakalagay ang listahan ng mga Pangalan at Sections ng bawat estudyante dito sa McBrynlee University. Matapos makipag siksikan sa mga magugulo at naghahanap ding new students ay happily nahanap ko na din sa wakas kung anong section at kung saan ang room ko.

Kaya naman hindi na ako nag aksaya pa ng oras at agad na naglakad patungo sa room na naka assign sa akin. Matapos nang ilang minutong paghahanap nakarating ako sa may Library kung saan matatanaw doon ang Open Ground sa gitna ng school.

Para sa akin ay isang normal at magulong First Day parin ang kasalukuyang nangyayari ngayon. Pero akala ko lang pala iyon , dahil may nakita akong 3 babae na pinagtutulungan ang isa pang babae na kasalukuyan nang naka salampak sa sahig habang kalat kalat na ang kanyang mga gamit. Nakatalikod sa gawi ko ang babaeng binubully samantalang kitang kita ko naman ang mukha ng tatlong babaeng tila walang pakialam sa paligid nila dahil patuloy parin sila sa pagsipa ng mga gamit nang babae.

"Can you please stop kicking my things!" sigaw nang babae habang pinipigilan niya ang pagsipa ng tatlong babae sa mga gamit niyang nagkalat na rin sa sahig.

"Huh?! Stop?! Why would we stop? Kulang pa 'yan sa lahat ng ginawa mo Bitch! Patikim pa lang 'yan!" sigaw naman ng babaeng nasa harapan niya. Sa tingin ko ay siya ang leader sa kanilang tatlo.

Kung titingnan silang tatlong bully ,masasabi kong maaangas ang awra nila. May mga piercings din sa tenga at isa din sa kanila ang meron sa dila. Iba't iba ang kulay ng kanilang mga buhok. There's Pink , Blue and Violet.

"It's not my fault kung magustuhan ako ng boyfriend mo! It's your fault dahil pinapabayaan mo siya. Tsk!" angil pa ng babaeng binubully

Akma na sana siyang sisipain ng leader ng tatlong babae na blue ang kulay ng buhok at kasalukuyang may kinakaing lollipop. Ngunit bago pa man ako makalapit para pigilan ang babaeng iyon ay isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa corridor kaya naman napatingin halos ang lahat ng estudyante sa kung saan ang pinagmulan ng sigaw na iyon. Pati natin ang tatlong bully...

Ilang segundo lang ay nagsimula nang umingay dito sa may corridor. Puro bulungan , hagikhikan at puro impit na tili ang naririnig ko.

'Ano bang meron sa lalaki na 'to para magkaganyan na lang ang mga estudyante dito?Mukha namang estudyante din siya dito..'

"STOP THAT!" maawtoridad na sabi ng lalaking nakaputing shirt pero naka black na leather jacket at naka jeans. Mapapansin din ang maangas niyang paglalakad patungo sa tatlong babaeng bully. Kaya naman natigilan si Ateng kulay blue ang buhok at napa layo ng kaunti mula sa binubully nila.

Agad namang tinulungan ng lalaking naka leather jacket ang babae upang tumayo mula sa pagkakaupo at tinulungan din niya itong magpulot ng mga gamit niyang nagkalat sa kung saan.

"T-Thanks..." sabi naman ni.... Elliasha???? Tanging tango lang ang isinagot ng lalaki at agad niyang nilapitan ang tatlong babaeng bullies. Walang anu-anong sinamaan lang siya ng tingin ng tatlong babae at sumunod sa kanya ito habang nakasimangot.

"Lagot sila kay Senior Superior"  

"Pa bully bully pa kasi tss.."

'yan ang mga usap-usapang narinig ko habang papalapit ako kay Elliasha.

Fallen With My Boy BestfriendWhere stories live. Discover now