Kiko's POV
Kasalukuyan akong nagbibihis dahil may pasok na naman. Ang saya-saya ko kasi naging bestfriend ko na si Kiara. I didn't expect na magiging ganun ang pag-uusap namin ni Kiara that time.
"Kiko , aalis na muna ako ah." pagpapa-alam sa akin ni Ate Claisher
"Saan ang punta natin Ate? " makahulugan akong tumingin sa kanya. Masyadong ayos na ayos si Ate. "Para kang makikipag date." nakangisi kong sambit
"Tse! Stop it Kiko. Kukunin ko lang yung phone ko kay Vashly. Sa lahat ba naman kasi nang maiiwan ko yung phone ko pa. Hayss. "
At first nagulat din ako dahil nakita ko sila Ate Claisher at Vash na magkasama. The night na magkasama kami ni Kiara sa may dalampasigan , doon din sila nagkakilala ni Ate Claisher. Nakakatuwa nga kasi yung kuya ng bestfriend ko kakilala din ng ate ko. Si Kiara na lang ang ipapakilala ko kay Ate Claisher , mas magiging madali na lang iyon.
"Okay fine , Ate. You take care , okay? Papasok na din ako. Bye Ate , loveyou."
"Love you too bunso. Mag-aral mabuti." We waved at each other as goodbyes
*****
Pagkarating na pagkarating ko sa school , tilian ng mga babae agad ang bumungad sa akin. As usual marami na namang nag-aabang sa kagwapuhan ko.
"Kyaaaah! Kikooo! Notis meeeeeh!" tili ng isang dalaga kaya tiningnan ko siya at sandaling binigyan ng isang pamatay kong ngiti.
Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa room namin hanggang sa biglang may kumapit sa akin.
"Hey , Kiko... Remember me?" sabi ni Elliasha habang kapit na kapit sa braso ko
"Yeah...You're my classmate , right? "
"Yep , naging classmate na din kita nung Junior High tayo. Tsaka I have a good news , babe Kiko." parang narindi ako sa pagtawag niya sa akin ng babe. Nakaka badtrip , hindi ko naman siya type. Tsk!
Hindi ko na siya kinausap at nagtuloy-tuloy nang pumasok sa loob ng classroom. Pero bago pa ako makaupo niyakap ng braso niya ang leeg ko at inilapit niya ang mukha niya sa bandang tenga ko.
"We're going to move in sa subdivision niyo. Magkalapit lang ang bahay natin , Babe." she chuckled before letting me go.
Kailan pa naging ganyan si Elliasha? Tahimik lang siya dati pero ngayon lumalala na siya. Napailing na lang ako sa naisip ko.
"Bro , type na type ka yata ni Elliasha ah." pang-aasar ni Nhel na may kasama pang hampas sa balikat
"Kaya nga , wagas kumapit Bro." natatawang sabi naman ni Paul
"'Yan kasi masyado kang pa gwapo , nakakamagnet ka tuloy ng di inaasahan." pagsabat naman ni Adrian
" Shut up FBoys. Tantanan niyo ako. " masungit kong sabi. Masyado kasi silang maingay , nakakainis.
Nginisian lang nila kong tatlo kaya mas pinili ko na lang tumingin sa gawi ni Kiara. I saw her staring at me kaya nginitian ko siya. She smiled back at me pero parang may mali.
Aish! Bahala na nga!
*****
Mayamaya pa ay dumating na si Ma'am Dyosa with her wide smile as usual.
YOU ARE READING
Fallen With My Boy Bestfriend
De TodoWhat will you do if Destiny isn't working between the two of you? Bestfriend to Bestfriend.... A great compatible word but a complicated situation Compatible as Bestfriends but Incompatible with the world's one of the fame word LOVE Kiara Thorne...