Chapter 10♥Missing Him

103 2 1
                                    


Kiara's POV

Kasalukuyan akong nakatunganga habang patuloy na lumilipad ang aking isipan. Sadyang wala lang ako sa mood para makinig sa proctor namin. Wala kaming pansinan ni Elliasha kahapon , ngayon naman absent din siya. Hindi ko lang talaga mainitindihan kung bakit siya galit na galit sa'kin kahapon.Wala naman akong ginawa para maging dahilan ng galit niya. Sadyang 'di ko lang nagustuhan 'yung pinakita niyang ugali kahapon.

"Kiara , daydreaming lang tih? Makinig ka kay Ma'am , sige ka baka tawagin ka niyan." bulong sakin ni Fharizza sa tabi ko, pansamantala muna siyang lumipat sa seat ni Elliasha dahil absent naman ito

" Wala ko sa mood eh." seryoso kong sabi

"Nakoow, ayan na nga ba sinasabi ko , miss mo?" nakangising tanong niya

"Huh? Sino? " takang tanong ko

"Sino pa ba? Edi yung bruhang nakaupo dito," sarcastic niyang sabi kaya inirapan ko lang siya " Syempre yung bebe---bestfriend mo."     

" Hindi noh, " bahagya akong yumuko " Medyo lang "bulong ko at nagtaas ulit ako ng tingin para makinig kay Ma'am Star

"Naks namern may pa medyo ka pang nalalaman kapag 'yan nadagdagan iba na 'yan." patuloy na panunukso sakin ni Fharizza. Narinig ko namang mahinang humagikgik ang Vouge Girls sa likuran namin.

Napailing na lang ako at nakinig na muli kay Ma'am.

*****

Mabilis na lumipas ang oras kaya ngayon ay uwian na. Nag-aayos na kami ng gamit namin ng Vouge Girls tsaka naman lumapit si Couz samin kasama na rin ang iba pang FBoys.

"Couz , mukhang matamlay ka ngayon ah? Anong meron?" tanong nito tsaka sinipat ang leeg ko " May nami-miss ka ba?" nakangising tanong nito kaya napara irap ako

"Che! Stop it couz , 'di ka nakakatuwa." isang irap ang natanggap niya mula sakin

"Just kidding. Masyado ka naman kasing seryoso. Kung nagtataka ka kung bakit absent yung bestfriend mo ngayon , let me inform you." hindi na ako nagsalita at tumingin na lang sa kanya habang hinihintay ang sasabihin niya

"Inimbitahan kasi siya nung chix na patuloy na humaharot sa kanya, si Elliasha, sa family reunion nila ngayon. Dahil magkaibigan ang pamilya nilang dalawa , walang nagawa itong si Bro Kiko kundi ang sumama."napa-iling na lang si Adrian , sunod-sunuran din namang umiling ang FBoys.

'Mga sira talaga 'to!'

"Oh for sure  they're having fun there. Baka magka inlove-an pa sila... Ang swerte talaga ng bessy kong si Elliasha." sabat naman ni Alex na tinapunan kami ng irap at maarte niyang pagsasalita bago siya tuluyang lumabas ng room.

"Duh! Akala mo talaga dyosa sa kagandahan eh! Dukutin ko 'yang mata mo eh! Tsk!" gigil na saad ni Fharizza. Nakita ko namang napatawa na lang ng mahina si Liam sa sulok.

' Kung magka inlove-an sila edi sila na! Problema ba 'yon? Bestfriend ko lang naman si Kiko , hindi ko naman siya jowa noh! '

"Hayaan niyo na siya girls. Tara na..." nakangiting pag-aaya ko sa kanila " Una na kami Couz , ingat kayo." pagpapaalam ko

" Sige Couz , ingat din kayo. Don't worry good boy naman 'yun si Bro Kiko." Kinindatan pa ako ni Adrian bago kami tuluyang umalis. Nakita ko pa nga ang Love birds na si Queeny at Paul na nag goodbye kiss pa sa isa't isa. 

Pagkalabas namin ng campus agad kaming dumiretso sa favorite coffee shop na tinatambayan namin.

  
" Huwag mo na lang masyado isipin si Kiko , Kiara. Isang araw lang naman siya wala ngayon. " pambungad ni Quenny

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 04, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fallen With My Boy BestfriendWhere stories live. Discover now