Clover 1 : Just something to share

74 2 1
                                    

(A/n: Hi po. bago lang po ako. sana ok lang story ko para sa inyo. sana may magbasa :) hehe)

3 years ago...

Pasukan

pasukan na naman. haaay, yung crush kong bata haaaay, imposible palang dito mag.aral yun, pa-wish wish pa ako na sana 12 lang sya and dito mag.aral kaso mukhang malabo yun..

"Chaira!!!"

huh? may tumatawag yata sa akin? bahala na nga. di ko din naman makikita kung sino yan, sa liit kong to? at sa dami ng tao? diko na mahahanap kung sino yan

"Chaira Summer Gonzalez, lumingon ka!"

kulit naman nun? sinabi nang "di kita mahanap ee!" hala? sumigaw ako? haha

"aray! sakit sa tenga ng sigaw mo ha. magkatabi lang tayo eh"

"hmm tignan mo ikaw, kakainis, ikaw nga sigaw ng sigaw ee. nakakahiya ka bess"

"ikaw naman kasi bakit kasi nahihiya ka lumingon pag tinatawag ka?"

"wala. di ako sanay eh, anyway, may kwento ako sayo! hihi. may crush ako eh. kaso mukhang batang bata pa, siguro 1st year yun kaso hindi sya dito nag-aaral"

"sino? anong pangalan? ikaw ha! 3rd year na tayo ee. masama yan girl"

"di ko alam pangalan ee. nakakalungkot. pero every sunday nakikita ko sya hihihi" ~^_^~

"Landi mo! haha"

"hmm! parang crush lang eh, pero pag nakikita ko sya tumititig sya sa akin eh, baka crush din ako nun! kakilig friend!" ~^_^~

"ewan. haha tara na at flag ceremony na"

hmm ang supportive talaga ng bestfriend ko. well, wala ako magagawa, wala syang crush eh.

As we were walking may nakita akong parang bata.. yung bata na.. na. yung... yung..

"YUNG CRUSH KO!"

"hala si ate 1st day na 1st day crush agad" ate stranger

napalingon ako sa nagsalita, sasagot sana ako, kaso may sumabat.

"kala mo naman ikaw hindi" kuya stranger

"atleast hindi ko sinisigaw" ate

"yan ang sabihin mo, sus hindi yung '1st day palang crush agad blablabla' arte mo" kuya

"aba't loko ka aa" ate

hala sige magbayangan kayo jan.

"ayan kasi bess chai ee. kita mo nakakahiya ka din, masyado ka yatang nasobrahan sa pagddaydream e?"

"hindi, I'm sure nakita ko yung bata na yun ee, yung crush ko" :(

"hay chai, iaral mo nalang yan haha"

hindi ko na pinansin ang bestfriend kong si Misha, dahil busy ako kakahanap sa crush ko.

----

Natapos ang buong araw na hindi ko sya nakita.. hay siguro nga  namalikmata lang ako :( paano ako sisipagin pumasok nyan? kainis.

"chai, tara na't umuwi"

excited na sabi ni Misha. masira ko nga mood nito haha.

"ge. pero daan muna tayo sa homeroom natin, cleaners tayo eh"

Kung ang itsura nya kanina ay masaya, bigla syang nabadtrip.

"ay ou nga, tsk. diba dapat nagsisimula sa 'A'? ee Gonzalez ka tapos ako Gonzaga.. dapat mga gitna tayo, sa wednesday pa tayo or thursday hmm"

Clover2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon