AN: REMINDER ** Hindi ganun kagaling ang pagkaka-translate ko sa tagalog nyahaha kaya naging taglish sya. Pasensya na talaga XDDD pero sana magustuhan nyo pa rin :))
I DO NOT OWN YAMATO NADESHIKO SHICHI HENGE. I JUST WANTED TO TRY TRANSLATING IT IN TAGALOG :D
Enjoy reading ^_^
=========================================
YNSH1: The Summer's Too Hot!
Ang kasalukuyang temperatura ngayong summer sa Tokyo ay 38 degree celsius -- pagbabalita ng newscaster sa TV.
Ang apat na naggagwapuhang nilalang ay halos mawalan na ng lakas dahil sa init na nararamdaman nila habang nakahiga sa may living room.
"Ang init! Ang init! Ang init! Hindi pa rin ba naaayos ang aircon?" Wala nang lakas na tanong ni Ranmaru.
"Kahit nandito na tayo sa pinaka-malamig na parte ng bahay, hindi ko pa rin ma-take ang init na 'to..." Reklamo na rin ni Takenaga.
"Kailangang... buksan... ang bintana..." Naghihingalong lumapit si Yuki sa bintana para buksan ito hanggang sa nahimatay na sya dahil sa init.
"Gutom na kooo! Mamamatay na kooo! Hindi pa ako kumakain ng kahit ano simula ng masira ang aircon." Matamlay na reklamo ni Kyohei na tulad ng iba ay hinang hina na rin.
"Kahit naman kami..." Pagsangayon ni Takenaga at Ranmaru.
"Sunako... Anong ginagawa nya? Wala na rin tayong malinis na towel..." Paghahanap ni Takenaga kay Sunako at naisip pa na, 'Sa tingin ko mas maginhawa pa ang maging kalbo na lang.'
"Siguro sobrang lamig sa kwarto nya... sa madaling salita..." Nag-iisip na sagot ni Ranmaru.
"Gusto ko ng pagkain."
"Gusto ko ng tuwalya."
"Gusto ko ng malamig."
Isa isa nilang sabi at sabay sabay na tumakbo papunta sa kwarto ni Sunako. Ng makarating sila sa kwarto nya ay sabay sabay silang natumba ng maabutan si Sunako na nakababad sa pambatang balloon pool na may nakalagay na ice cubes.
"Ahhh! Sarap ng buhay." Nakangiting saad ni Sunako na nakasuot ng school swimsuit at hindi napapansin ang apat na titig na titig sa kinalalagyan nya.
"Tubig..."
"Yelo..."