AN: Ayy walang comments or new readers? Wawa talaga ang mga story ko nyahahah. Oh well, hayaan na nga. Enjoy naman ako sa paggawa nitong YNSH kasi nababasa ko ulit ang mga SunaKyou kilig moments ^_____^
======================================
YNSH2: Matchmaking Trouble! (Part 1)
"Magpapakasal na ako sa lalaking 'to." Agad na anunsyo ni Aunty mula sa flat screen TV nila sa living room.
"Ah, napaka-gwapong lalaki!" Komento ng isa sa kanila habang nakaupo si Kyohei at Ranmaru sa sofa at sa lapag naman nakaupo si Takenaga at Yuki.
"Pinadalhan nya tayo ng video halip na letter, ayos ah!" Natutuwang saad ni Takenaga habang patuloy nila itong pinapanood.
"At, meron pa akong sasabihin patungkol kay Sunako." Agad na nakuha nito ang atensyon nilang apat. "Isasama ko si Tatsurin at ang iba ko pang mga kaibigan next week, para sa matchmaking session kasama si Sunako!"
----
"Ayokong sumali don!" Agad na pag tanggi ni Sunako ng masabi sa kanya ng apat ang gustong mangyari ni Auntie.
"Pero hindi ito ang oras para sabihin mo yan." Sigaw ni Kyohei sa kanya pero hindi sya pinansin si Sunako at ipinagpatuloy na lang ang panonood nya.
"Makinig kang mabuti, matchmaking ang pinag-uusapan natin dito." Seryosong pagsasalita ni Kyohei.
"Hindi na ito katulad ng dati, na kailangan mo lang ngumiti."
"Kailangan mong matutunan ang tamang asal, at masanay sa sikat ng araw! Kailangan mong maging isang tunay na babae!"
Patuloy na pangungumbinsi nya ngunit hindi pa rin sila pinansin ni Sunako at sa pinapanood pa rin nakatuon ang kanyang pansin kaya naman wala na silang ibang naisip pa at pinatay ang tv na pinapanoodan ni Sunako dahil na rin sa inis.
"Hindi ba pwedeng sabihin ko na lang kay Aunty na ayokong pumunta? Ibalik mo yan! Ibalik mo!" Pagmamaktol ni Sunako ng kunin naman ni Kyohei sa kanya ang libro nya na 'Capturing Vampires'
"Ikaw! Hindi mo naiintindihan kung gaano nakakatakot kapag nagalit si Miss Landlady!" Sabi ni Kyohei sa kanya.
"Sa mga oras na 'to, seryoso kami sa bagay na 'to." Sabay sabay na sabi pa ng tatlo na hawak ang anatomical doll ni Sunako.
Pero hindi effective ang pananakot nilang yun kay Sunako at agad silang sinugod at iwinasiwas sa kanila ang hawak na sword na talagang ikinatakot nila.