YNSH6: Test of True Love

115 7 1
                                    

YNSH6: Test of True Love

Muli sa loob ng mansyon ng Nakahara, sa kwarto ni Sunako, ay busy na naman sya sa panonood ng mga gore na palabas habang napapalibutan sya ng mga anatomical doll nya, hanggang sa mag-alarm ang orasan nya.

"Oras na para umalis." Saad ni Sunako, "Pero mas gusto ako ang mag-stay dito kasama kayo, hindi ba Hiroshi? Naiintindihan mo diba? Pero... Pero..."

Pagmamaktol ni Sunako ng bigla naman magbukas ang pituan nya at mapansin ang pagpasok ng liwanag sa kwarto nya ng makapasok si Kyohei dito.

"Nakakatakot ka talaga." Pambungad nya at naka-cross arms pa na sabi ni Kyohei.

"Alam ko, pupunta na ako sa kitchen para gumawa ng dinner kaya pwede wag ka ng pumunta sa kwarto ko." Pinagpapawisan na sigaw ni Sunako sa kanya.

"Hindi nakakapagsalita ang manikin na 'to, hindi ba Hiroshi?" Pinat pa ni Kyohei ang ulo ni Hiroshi na naging dahilan ng pagkatumba nito, "Ahh, sorry."

Paghingi nya ng paumanhin pero huli na dahil nainis na si Sunako. May nakakatakot na itong aura sa likod nya at ang mga ngipin ay may pangel na din. Napasigaw na lang si Kyohei sa takot.

"Ang magkaroon ng scratch ay normal... pero masakit talaga pag iniligo na." Pagmamaktol ni Kyohei na hindi lang pala basta napasigaw sa takot dahil nabugbog din pala sya ni Sunako.

"Wala tayong magagawa dahil yun ang "best friend" nya." Saad ni Yuki na nakaupo sa sahig katulad nina Ranmaru at Takenaga habang si Kyohei naman ay sa sofa nakahiga.

"Paanong ang isang manikin ay mas naging mahalaga kaysa tao?" Pakikipagtalo pa rin ni Kyohei.

"Pero para kay Sunako, yun ang mas importante." Sagot ng isa sa kanila.

"Bakit mas kinakampihan nyo sya?" Naiinis na tanong ni Kyohei sa kanila.

 

-----

"Kinakain mo pa ba 'to?" Tanong ni Kyohei habang dinidilaan pa ang ulo ng kutsura na gamit nya sa pag-kain ng ice cream.

Nagulantang si Sunako ng ipakita sa kanya ni Kyohei ang cup ng ice cream at muli ay nakaramdam sya ng inis dito.

"Sorry, may natira pa namang kalahati. Gusto mo?" Alok pa ni Kyohei dito ng may ngiti sa mukha nya.

"Ayoko!" Galit na sigaw ni Sunako sa kanya at tinalikuran na sya habang naglalakad at sinasabing, "Balak ko pa naman kainin yun kasama si Hiroshi."

"Oy Sunako."

"Ang sabi ni Hiroshi, hindi nya gusto ang green tea ice cream." Naka-smirk na pagkuha ni Kyohei sa atensyon nya at nilingon naman nya ito na para bang nawe-weirduhan sya sa sinabi ni Kyohei.

Yamato Nadeshiko Shichi HengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon