DISCLAIMER: I DO NOT OWN YAMATO NADESHIKO SHICHI HENGE. I JUST WANTED TO TRY TRANSLATING IT IN TAGALOG. ALL CREDITS TO THE MANG-KA: HAYAKAWA TOMOKO :DDD
Enjoy reading <3
======================================
YNSH8: Brilliant Accident (afterwards)
Ang mansyon ng Nakahara ngayon ay puno ng maruming bagay. Hindi nahugasang pinagkainan, mga basura na nagkalat sa sahig, at mga gamit na naghalo-halo sa mismong hapagkainan.
At ang pagkain lang ng apat na naggagwapuhang nilalang ay ang bento box na mabibili sa convinience store.
"Sunako-chan..." Saad ni Takenaga.
"Ano naman kayang nangyayari sa kanya ngayon?" May pagtatakang pagiisip ni Ranmaru.
"Iniisip ko lang kung mabuti ba na puntahan natin sya at tignan kung ano ang nangyayari sa kanya o wag na lang...?" Tugon ni Yuki kay Ranmaru.
"Sa tuwing may nape-predict ako, at sinusubukan ang makipagkaibigan, nagiging sobrang nakakatakot sya." Tugon naman ni Ranmaru kay Yuki na sinangayunan nya.
"Wag munang alalahanin yun. Wala pa rin tayong kahit anong makakain diba?" Pagsali ni Takenaga sa usapan habang si Kyohei naman ay nakakapagtakang tahimik lang habang nakikinig sa kanilang pinag uusapan at ang chop stick na gamit ay kagat kagat nya.
Ang itsura ni Sunako... "ang makipagkaibigan"
Hindi ko nakita yun, diba?
----
Sa kwarto ni Sunako, na nababalot na naman ng dilim, ay nanatili syang nakadapa sa sahig habang nakabaluktot ang kanyang katawan at naginginig. Halos tila nagbukas na rin ang butas sa mga balat nya dahil sa dami ng pawis na nanggagaling sa katawan nya.
Hindi ko inaasahan yun...
Ayon sa Grumpy Learned Lesson, ang isang tao ay kayang gawin na palitan ang memorya.
Hayaan nyong ipaliwanag ko ang nangyari...