DISCLAIMER: I DO NOT OWN YAMATO NADESHIKO SHICHI HENGE. I JUST WANTED TO TRY TRANSLATING IT IN TAGALOG :D. ALL CREDITS TO THE MANGA-KA: HAYAKAWA TOMOKO
AN: Thanks sa bagong reader na nag-comment at nag-likes ng bongga: one1knight2to3cry4on ^_______^. At dedicated naman ang story na 'to kay: ManlyKrisalaTheGreat sa patuloy na pagbabasa at pagla-likes nito ^________^
======================================
YNSH4: The Path to Being a Lady (Part 1)
"Ano yung weird na maingay?" Nagtatakang tanong ni Kyohei habang nasa living room sila at nanonood.
"Wala akong naririnig na kahit ano.."
"Huh?"
"Hehe ayan na." Saad naman ni Yuki na tila may inaabangan sa harap ng TV.
Nung araw na yun, walang nag-suspetya na may malakas na bagyong dadaan sa Nakahara house.
Samantala nasa kwarto naman nya si Sunako, katulad ng dati ay busy sya sa panonood habang hawak ang isa sa mga skull collection nya. Habang sa living room naman ay biglaang dumating si...
"I'm back <3." Sigaw ni Aunty ng napaka-sigla pero hindi man lang sya nilingon ng apat na lalaki.
"Hindi namin nakita ang isa't isa ng napaktagal, tapos hindi nila ako papansinin?" Tila nagtataka naman si Aunty sa hindi pamamansin ng apat pero hinayaan na lang din nya, "Oh well, yayayain ko na lang na mag-shopping si Sunako!"
"Ito ay..."
----
Sa living room...
"May pumasok ba?" Tanong ni Takenaga.
"Ah.."
"Parang boses ni Aunty yun.."
"Hindi. Hindi sya yun.." Pagmamaang-maangan nila.
"Tama!" Tumawa pa sila.
"Hindi sya yun." Patuloy na pagkumbinsi nila sa sarili nila at tumatawa pa rin.
Pero... hindi rin sila nakatiis at agad na sumugod sa kung nasaan si Aunty, at nakita nila ito na nakatayo sa harapan ng kwarto ni Sunako na bukas na ang pinto at tila may pagtataka sa ekspresyon ng mukha nito.