Chapter 2: Back to the grind

47 12 0
                                    

CHAPTER 2:
Back to the grind

RURU

"wag kang lalabas ha? magtago ka lang dyan". nakangiti man si mama pero halata ang takot sa mga mata niya. napakabilis ng mga pangyayayari. tinakpan ko ang bibig ko gamit ang nanginginig kong mga kamay upang di makagawa ng ingay.


kitang-kita ko ang pamilya ko at ang tatlong mga lalaki at isa ay may hawak ng baril. si kuya ay bugbog sarado, at nakahiga sa sahig, ang mama na sinasampal habang hinihila ng isang lalaki sa buhok at papa na duguan, nakaluhod at nagamamakaawa. 


bakit? anong nangyayari? sino sila?


"kung hindi ka lang sana nangelam, mabubuhay pa sana kayo ng pamilya mo. bakit kasi pinili mo silang kalabanin, ha?! tangina dapat tinaggap mo na lang yung binigay na pera eh." sigaw ng isang lalaki sabay suntok kay papa. bumagsak si papa sa sahig at patuloy niya itong pinagsisipa, inis at galit. 

"sorry! sorry! mananahimik na 'ko! sasabihin ko na walang katotohanan ang lahat! parang- awa nyo na wag ang pamilya ko!" pagmamakaawa ni papa.


"boss, may mga pulis na paparating"

" tangina! sino sa inyo tumawag ng pulis? ha! ikaw ba?" itinutok nito ang baril kay kuya, nagsigawan sila mama at papa, nagmamakaawa. gusto kong sumigaw gusto kong tumakbo papalapit sa kanila pero hindi ko magawa dahil sa matinding takot na nararamdaman ko. ang kaya ko lang gawin ay ang umiyak.


parang tumigil ang aking mundo ng marinig ang malakas ng tunog ng baril at ang pagbagsak ng katawan ng kapatid ko, mulat ang mga mata habang lumalabas ang walang katapusang dugo sa kanan niyang mata na ngayo'y wala na. 


"hindi! hindi hindi bakit! hayop kayo mga hayop kayo!"  


rinig ko ang sigawan ng aking mga magulang, ang hiyaw at hagulgol ng aking ina, ang panglalaban ng aking ama. 


nagulat ako sa sunod sunod ng putok ng baril  at pagbagsak ng mga magulang ko sa sahig. 

dugo, puno ng dugo na umaagos, na halos di na makita ang sahig. 


"hanapin niyo nga, alam ko may isa pa 'tong anak eh! baka nagtatago!" nanigas ako sa pwesto at halos di na makahinga. natatakot ako, sobrang natatakot. ayaw ko pang mamatay. 


nakangisi ito habang nakatingin sa school i.d ko.


"Ruru"


"Ruru" nagising ako dahil sa mahinang tapik sa aking pisngi. bumungad sa harap ko si aki, kaming dalawa na lang an nandito sa loob ng van "baka may gusto kang bilhin or mag-ccr ka? nasa may gasoline station tayo ngayon." tanong nito sa akin . 


"sunod ako mamaya" sagot ko at pumikit ulit. narinig ko na lang ang pagsara ng pinto ng van. hindi ko mapigilan umiyak at manginig sa napanaginipan ko. ilang taon na ang nakakalipas pero pakiramdam ko parang kahapon lang. ilang taon na akong nagththerapy pero pakiramdam ko walang nagbabago. parang walang katapusan na bangungot. 


huminga ako ng malalim at paulit-ulit na sinampal ang pisngi ko at ngumiti ng malawak bago lumabas ng van at sumunod sa iba. 


AKI

matagal din namin pinlano itong outing namin lalo na't bakasyon na, nasubukan na namin lahat pwera sa pagcacamping at hiking na nirecommend ni Ruru at akalain mo nga naman may magandang ambag naman pala ang loko. 


isa-isa na din kaming nagsibalikan sa loob ng van at tumuloy na ulit sa kalsada. napansin ko ang pananahimik ni Ruru na katabi ko na bihira mangyari, in-expect ko napakagulo na nito at nagiingay na, lalo na't nakatulog na siya pero hindi. seryoso lang siya habang nakatingin sa phone. hala baka nanunuod ng porn.


"hala ano yan? nunuod ka porn no?" ngisi ko sabay silip sa phone niya.

"gago ginaya mo pa 'ko sayo". nakangiwi nitong sagot sabay tago ng phone niya. 


"diba it was about a three guy that were found dead on a warehouse or something it was grusome scene? like ew ew talaga? " tanong ko sa kanya. "nakatali silang tatlo sa lamesa and theres weird symbols on it, wasak yung tyan tapos wasak din yung dibdib, sabi nila nawawala daw laman -loob pati puso." nandidiri kong kwento habang may action-action pa para mas feel. 


"pinagsasabi mo?" kunot-noo nitong tanong sakin.

"tanga neto, kakabasa mo lang nakalimutan mo na? yung binabasa mo sa phone ko kanina" irita kong sagot. 

"ah oo, at napakachismosa mo, anobayan" pabiro ko siyang binatukan. i remember that news a year ago, sobrang usap-usapan yun back then na halos kahit saan social media site ako pumunta pinaguusapan yun at maraming conspiracy ang nagawa whether it was a cult or human trafficking.


kung sino mas gumawa nun, siguradong hindi tao. napakahayop!

DARKUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon