Chapter 5: Tragedy

18 9 0
                                    

CHAPTER 5:
Tragedy


Aki

"Ate Aki, what happened? Bakit ang dilim?" tanong ni Elo na nasa tabi ko. Nakita kong patakbong bumalik sila Jonel at Ruru na may dalang mga flashlights.


"Bitch! Anong nangyari? Pota! Muntik na'ko maihi sa gulat dahil sa tili!" sigaw ni Jonel at inabutan kami ng kanya-kanyang flashlight.


"W-wag lumayo ka! Layo! Demonyo, demonyo!" napaatras ako sa halos patili ng sigaw ni Sai. Hawak hawak niya ang Rosaryo niya habang diretso ang tingin sa dilim. Bumubulong siya ng ibang lenggwahe. sinusubukan naman pakalmahin ni Simon si Sai habang niyayakap ito. pero parang di niya kami nakikita, nakafocus lang siya sa isang spot, nakatingin. sa dilim.


Patakbong lumapit samin sila Miguel at binagsak ang mga dalang sanga at kahoy. lahat ay natataranta at nagpapanic, takot dahil sa inaasata ni Sai. 

Itinutok ko kila Ruru at Leo ang flashlight habang natataranta silang tinuturo. "Leo at Ruru start the fucking fire!" sigaw ko, naalala ko bigla yung sinabi ni Sai---- na takot siya sa dilim at baka dahil sa kadiliman, nagha-hallucinate na siya! Mabilis na kumilos ang dalawa habang lumapit naman si Miguel kay Sai at gaya ng ginagawa ni Simon, pinipilit nilang makuha ang atensyon nito.

Nakatutok lang ang mga flashlight namin sa kanila. Habang nakatulala lang kami nila Jonel dahil sa takot at pinapanuod lang sila, biglang tumakbo si Gigi at Cole sa loob ng tent at kinuha ang bag na pinaglalagyan ng mga cellphone namin. Lumapit din kami nila Elo at Jonel para i-check ang phone na may signal. Shit! Di sinabi ni tita na nagkakaganito si Sai.


"What the fuck is happening, Simon?! may medication ba siya na dapat i-take?" tanong ni Miguel na halatang nagpapanic na rin.

"i don't know! first time kong makitang magkaganito si Sai." nakatitig lang si Simon kay Sai at pilit pa rin itong pinapakalma.


Napapamura na lang kami sa desperasyon dahil wala kaming masagap na signal. "Guys! Wala talagang signal!" sigaw ko at 'di tumitigil. Kinakagat ko na ang kuko ko sa kaba. "How's Sai?!" tanong ko.

"G-ganun pa rin, bumubulong siya na di namin maintindihan. Tapos nakatingin pa rin siya ng diretso sa dilim"aligagang sagot ni Simon at tinutok ang flashlight sa kung saan nakatingin si Sai.

Napalingon ako ng makitang tumayo si Sai, para siyang may hinahanap at nakita ko yung luha sa mga mata niya. Parang--- di niya kami nakikita. "Sai!" sabay kaming sumigaw ni Simon ng biglang tumakbo si Sai sa loob ng dilim.


Walang pagdadalawang-isip na sumunod si Simon kahit na wala siyang flashlight. Hinabol ko siya, hindi ako tumigil sa pagtakbo. Narinig ko na rin ang sigawan ng iba kong mga kaibigan. Paglingon ko sa likod ay nakita ko na sumusunod sila. "Tumakbo si Sai! we have to find her! Tumakbo din si Simon wala siyang flashlight na dala!" sigaw ko at patuloy sa pagtakbo. Ang bilis ng pintig ng puso ko sa takot, kaba at pag-aalala.


Halos magkandarapa na ako ngunit wala akong balak tumigil, kahit na tumatama na ang matutulis na sanga sa mukha ko ay binabalewala ito. Ang mahalaga ay mahanap namin si Sai!


"Sai!" Mas lalo kong binilisan ang pagtakbo ng marinig ko ang sigaw ni Simon. Nilamon ng takot at pangamba ang buong sistema ko. Nakita ko si Simon na nakadapa sa dulo ng cliff habang nakatingin sa ibaba ng bangin. Nanlambot ang mga tuhod ko, kasabay ng pagbagsak ng mga tuhod ko sa lupa ay ang pag-agos ng aking mga luha.


Hinila nila Leo at Miguel si Simon palayo ng bangin ngunit pumapalag ito at nagwawala. Nilakasan ko ang loob kong lumapit ang tingnan. Nawalan ako ng lakas ng makita ang halos lasog-lasog na katawan ni Sai sa ilalim ng bangin.

________


Lahat kami ay nakatulala habang nakaupo sa loob ng van. Nagawang makontak ni Miguel ang mga pulis sa area na ito kaya nasundo kami sa camp site at ibinaba ng ligtas. Nakakalat ang mga sasakyan ng pulis at ambulansiya. Parang nawala ako sa sarili ng makita ang body bag na pinaglalagyan ni Sai. Di ako makapaniwalang wala na siya at 'di namin alam ang nangyari.



"it was supposed to be a fun week, not this. what's happening?" tinabihan ko na lang si Elo na nakaupo sa sahig at umiiyak.


Dumating din ang mga kotseng lulan ng aming mga magulang. Kinontak din sila para sunduin kami. Para kaming mga bata na yumakap sa kanila. Lalo kaming umiyak ng makita ang pagwawala ng nanay ni Sai na halos mawalan na ng malay. Nagulat kami mg sugurin niya si Miguel at sampalin ito. Sinisigawan at sinisisi habang si Miguel ay nakayuko lang at tinatanggap ang bawat pananakit. Hindi! Walang kasalanan si Miguel!


"Tita! Wala po siyang kasalanan, aksidente po ang nangyari!" pagdedepensa ko kay Miguel na nakayuko lang. Sasampalin sana ako ng mama ni Sai ng biglang hawakan ni Chief Lacson ang kamay nito----ang papa ni Miguel. 'di ko masisisi kung sobra ang galit ni tita samin.Responsibilidad namin ang kaligtasan ni Sai dahil kami ang kasama niya at di namin nagawa yun.


Niyakap ni Chief Lacson si Miguel na nagsimula ng umiyak. Humarap si Chief sa mga magulang ni Sai. "Iimbestigahan po namin ang nangyari. Sa ngayon, kailangan po muna namin ihatid ang mga bata dahil hihingian sila ng statement." pinasakay kami ni Chief sa van at siya mismo ang nagdrive nito.


Buong byahe ay walang umiimik samin. Tanging mahihinang hikbi lang ang maririnig, lahat nakatulala, lahat iniisip kung ano ba talaga ang nangyari. Tiningnan ko si Miguel na nakatulala lang, alam kong sinisisi niya ang sarili niya. Hinawakan ko ang kamay niya at napalingon siya sa akin. Binigyan ko siya ng tipid na ngiti.


"Wala kang kasalanan, Miguel."

DARKUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon