Chapter 7: Coincidence

16 7 0
                                    

CHAPTER 7:
Coincidence

Aki

sinagot ko agad ang phone ng makitang tumatawag si miguel.

"hey sup?" sagot ko.

"do you remember about the video on the camping?" parang natatarantang tanong sakin ni Miguel. 

nanalaki ang mga mata ko at napaupo mula sa pagkakahiga "yeah! omg ngayon ko lang naalala nung binaggit mo, why what about it? " takang tanong ko. sa sobrang daming pangyayari nawala sa isip ko na nagtake nga pala ng video si Gigi. may nahanap kaya siyang kakaiba?

"tawagan mo yung iba, magkita tayo sa bahay ni Simon" hindi pa man ako nakakasagot ay pinatayan na niya ako ng tawag. 


______

pagkarating namin sa harap ng bahay nila Simon, nakita namin si Miguel na kakalabas lang din ng kotse, mukhang puyat at aligaga, suot-suot and isang backpack. "you look like shit, bro." bungad agad ni Leo ngunit di ito pinansin ni Miguel nagdoorbell agad siya. nagkatinginan kaming walo sa pagiging weird ni Miguel. 


pinagbuksan kami ng katulong. "Nako hija, kakaalis lang nilang magpapamilya. May pupuntahang debut ng kamag-anak."


"ay ganon po ba? sige salamat po." tugon kona lamang at humarap sa kanila. 

"now what?" tanong ni Cole sabay pameywang.

"sabihin mo na lang kasi samin, Miguel, maya na lang natin sabihin kay Simon pagbalik." wika naman ni Gigi at sumang-ayon naman ang lahat.


pumunta kami sa pinakamalapit na resto na nahanap namin at napagdesisyunan na doon na lamang mag-usap. inilabas ni Miguel ang laptop 


"kumuha ako ng copy ng video sa computer ni papa at ilang beses ko na pinanuod kagabi yung video, and i saw something but i also need your opinion regarding or baka naghahallucinate or mali lang nakikita ko." lahat ay nakafocus sa panunuod sa video, nakakunot ang mga noo at halos idikit ang mukha sa screen ng laptop. 


"tangina guys wala akong makita masyadong madilim" Ruru


"pa-adjust naman ng brightness, yung pang nanay na phone type ng liwanag ba" Cole


"hala kinikilabutan ako, nakakatakot pala talaga lalo na ngayon winawatch natin" Elo


" shhh iingay nyo wala nako maintindihan" Gigi


napabuntong hininga na lang si Miguel at in-adjust yung brightness, buti na lang at kami lang ang tao ngayon dito kaya wala kaming maabalang ibang customer. ni-fast forward namin ang video hanggang sa part kung saan tumili sa Sai. gumuhit ang kilabot at nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan. ngayon ko lang narealize na sobrang nakaktakot pala talaga ng lugar.

DARKUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon