Chapter 1: Party Animal

55 11 1
                                    

Chapter Theme above: Jump by Simple plan

CHAPTER 1:
Party animal

Aki

"Fuck! kaninong paa 'to?! smells like shit!" nagising ako ng may tumamang paa sa mukha ko. napakabaho. napakasakit na nga ng ulo ko, may paa pa sa mukha ko. teka, bakit kami nagsisiksikan sa van? ay oo nga pala, birthday ni elo last night at walang magdadrive pauwi kaya dito kami natulog. 


Sinipa ko mukha ni Simon pabalik para makaganti, nasa driver seat si Miguel habang katabi naman niya si Leo. Habang kaming walo nagsisiksikan dito sa likod, na-aamaze ako kung pano namin napagkasya mga sarili namin sa maliit na space na 'to. ganon ba kami kalasing?  


"Are we that poor to sleep here all night?! there's literally hotels nearby. kaninong idea 'to, sasampalin ko lang! tabi nga! ang sikip!" tili ni Gigi at sinipa palabas ng van ang walang kamalay malay na si Ruru. Umungol lang 'to pero komportableng nakadapa at natulog pa rin sa lupa. Kinuha ko ang phone ko at pinicturan ang epic nilang mga pagmumukha habang pinipigilang tumawa. 


lahat ay nagising na sa sigaw ni Gigi, parang nakalunok ng megaphone ang gaga. napatinis ng boses. napagddesisyunan namin na lumabas na upang makapagunat-unat.

pumasok ulit si Miguel sa van at narinig namin ang pag-start ng makina. ibinaba ni Miguel ang salamin at sumilip. "guys! sakay na!" nag-unahan kami sa pagsakay para makakuha ng magandang pwesto.

"Wait guys! Where's Ruru?!" sigaw ni Elo at sa isang iglap bigla kaming nagtalsikan paharap sa sobrang lakas ng preno ni Miguel.

"I kicked his ass off!" sigaw ni Gigi habang pilit na humihiga kaya nagreklamo sila. Binuksan namin ang pinto at bintana upang tingnan 'di kalayuan si Ruru at 'di naman kami nabigo.

"Guys! Tangina niyo! Wait for me!" napalabas ako ng van ng marinig ang malutong na mura nito.

Tumatakbo siya sa 'di kalayuan habang nakahawak sa pantalon niyang mukhang malalaglag na.

Mukha siyang-----homo erectus sa itsura niya.

Mukha siyang-----homo erectus sa itsura niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
DARKUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon