Chapter 3: Brace yourselves

22 9 0
                                    

CHAPTER 4:
Brace yourselves

AKI

"Sawakas!" sigaw ko sabay bagsak ng mga dalang gamit. Nilanghap ko ang preskong hangin  at pumikit. Dinama ang hangin na tumatama sa'king mukha. Napangiti ako ng malawak ng makita ang camp site. Napakaganda. Kitang-kita ang napakagandang tanawin.


"Ako nauna!" sigaw ni Leo, bigla siyang tinulak ni Ruru kaya pareho silang bumagsak sa damuhan.

"Mga hangal!" Sigaw ni Cole at biglang binagsak sa dalawa ang mga dala niyang gamit.


___________


"Holymother of goose! Natapos din!" pagcecelebrate nila dahil natapos na rin nila ang pag-a-assemble ng dalawang tent. Napailing ako habang nakangiti. Mukha silang mga bata na nagunahan sa pagpasok sa loob ng tent. Natawa ako ng bigla nilang kinulong si Leo sa loob kasama si Jonel. Narinig namin ang tili at pagmamakaawa ni Leo. Pagkabukas ay parang batang natrauma ito. kawawang Leo.


Tumabi sa akin si Miguel at inabutan ako ng bote ng beer na agad ko namang tinanggap. "Thanks".

Magsasalita pa sana si Miguel ng biglang patalon na tumabi si Ruru sa tabi nito at sunod na rin ang iba. Napagdesisyunan naming magbonfire na lang. Kumuha ang mga lalaki ng mga kahoy, Alas otso na rin ng gabi at naririnig na namin ang pagrereklamo ni Gigi dahil sa kinakagat daw siya ng mga insekto.

"Gaga! Edi kagatin mo rin!" sigaw ni Jonel at tinarayan si Gigi.


Napansin kong busy ang iba sa mga gadget nilang dala kaya naningkit ang mga mata ko. Si Elo ay lumayo pa upang kumuha ng signal.  "Rules! No gadgets! Akin na yan mga yan. Nandito tayo para magbonding oh." pagalit kong wika at kinuha ang mga dala nila. 

"ang pangit mong kabonding!" pagaalburoto ni Cole pero sa huli binigay din niya phone niya. 


"yan naman ang magandang kabonding!" sigaw naman ni Leo ng makitang may dalang gitara si Simon at papalit samin. nagkantahan kami ng ngkantahan hanaggang sa mapaos na kami at sumakit na ang daliri ni Simon. 


"Ayaw ko na nga! fuck i can't feel my fingers!" pagrereklamo ni Simon sabay baba ng gitara. 


 "Ok may last game ako! Walang kj sasampalin ko! Last laro bago matulog. Ano game?" excited na pagyayaya ni Ruru habang nakaakbay kay Leo na medyo may tama na.

"Baka kababuyan na naman yan Ru ah. Sasampalin talaga kita!" sigaw ni Gigi na akmang babatuhin ng bote si Ruru

" Maayos 'to promise!" taas dalawang kamay ni Ruru na mukha natakot kay Gigi.

"Game!" pabangon na sigaw ni Elo. Pumaikot kami sa bonfire at tumingin kay Ruru para sabihin kung ano ang pakulo niya.

Inilagay ni Gigi ang DSLR kung saan makukuhanan kaming lahat. Ang iba ay kumaway habang nagwawacky naman ang iba. sinet-up naman ni Gigi ang tripod at inilagay ang camera, gusto niya i-video mga mangyayari para ma-edit daw niya pagbalik. 

"Bawat isa satin kailangan magsabi ng atleast dalawang kinatatakutan nila tapos kung bakit." nakangiwi kaming lahat at mukahng lito ang iba. 


"ang baduy mo naman, ang boring!" sigaw ni Leo at humiga sa damuhan. 

"dali na ang kj naman! baka natatakot ka lang!"

"sinong takot? ako? suntukan na lang ako!"


"para kayong mga tanga, sige ako na mauuna! " Huminga ako ng malalim para bumwelo. "losing someone i love and also things that i dont really understand, things that unknown. Takot talaga ako sa mga bagay na hindi ko maintindihan. Siguro lahat naman tayo dito takot mawalan ng taong minamahal, diba?"


"fuck ang cheesy mo, kinilabutan ako." nag-act pa na parang nandidiri at kinikilabutan si cole. natawa naman yung iba. 


"arte mo moment ko 'to, okay next!" medyo nahiya din ako sa sinabi ko pero wala eh, nasabi kona. nakakahiya. pinaikot namin and bote ng alak sa ibabaw ng karton, at tumutok ito kay Leo. 

"Takot akong mawala si Gigi" sabay kindat ni Leo kay Gigi, tangina kinilabutan ako, mukhang manyak. tumitili naman habang sinasabunutan ni Jonel si Leo habang sumisigaw naman si Gigi sa pangdidiri, bumunot ng damo pinaghahagis sa direksyon ni Leo. nagtawanan naman kaming lahat. si Sai at Elo naman ay magkahawak kamay at nagtitilian sa kilig.  


"Ok seryoso na. Tangina mo Jonel makasabunot ah? " pabiro niyang sinuntok sa braso si Jonel at ang bakla ang dramatic ng pagbagsak. "Takot ako sa bubuyog at masisikip na lugar."  pinaikot nito ang bote at huminto ito kay Gigi. Ngumisi naman ito at tinapunan namin sila ng makahulugang ngiti.


"You're my destiny na talaga,omg." maarteng wika ni Leo habang pilit na inipit ang boses na parang ginagaya si Gigi. Binato naman siya ng tsinelas nito. Kaya napuno na naman ng kantyawan.


Kung tutuusin bagay silang dalawa, medyo may pagkagago si Leo pero makwela naman. Gwapo naman si loko kasi daming nagkakagusto, habang si Gigi maldita at mataray na babae. Immune na sa pagtataray si Leo kaya bagay talaga. 

"I'm fucking terrified of bridges, any type of bridge, especially if underneath is water, it's a big no. like what if I fall and I drowned and I die. or what if I fall my face slaps the rock or something and ruins my beautiful face? like can you imagine me turning ugly?" bakas ang pandidiri sa mukha niya na parang naiimagine niya ang mangyayari. we were dumbfounded. wow mas inalala niya yung pagkasira ng mukha niya. well that's Gigi for you. 



"mamahalin pa rin naman kita kahit maging pangit ka". banat pa ni Leo, lahat kami ay napa 'awww', pulang-pula naman si Gigi at kinuha yung bote, akala ko ihahampas kay Leo pero pinaikot niya pala. 

Pinaikot niya ito at huminto kay Elo. "Takot ako sa creepy dolls and clowns. I can't remember when and how basta takot na lang ako." tipid na ngumiti si Elo at humikab na mukha inaantok na talaga. Tinuturing namin na baby siya ng grupo. Tumabi ako sa kanya, inihiga ko ang ulo niya sa balikat ko at inayos ang buhok niya. Ako na mismo ang nag-ikot ng bote at tumapat ito kay Jonel.

 "I'm terrified of hospitals, it just creeps the fuck out of me, and I don't like being alone in the hospital." pinaikot niya ulit ang bote at huminto ito kay Cole.


"guys this ain't fun anymore, but whatever tapusin na lang natin para fair sa iba." Lumagok siya ng beer at pinunasan ang labi gamit ang nakakuyom na kamao. "needles and blood " maikli nitong sagot at pinaikot ulit ang bote, kumuha din siya ng beer sa cooler at binuksan ito. Kumuha ulit siya ng isa at iniabot sakin. Huminto ang bote kay Sai na humihikab na habang nakasiksik kay Simon na nakayakap sa kanya.


"Common fear, Dark places and ghosts.  Pero ok ako ngayon kasi andito naman kayo at si Simon." sabay ngiti kay Simon. Inikot nito ang bote at huminto kay Miguel.


Kumuha siya ng beer sa cooler at binuksan ito saka lumagok. "Birds and heights." maikli niyang sagot at lumagok sabay tingin sa malayo. Pinaikot niya ang bote at huminto kay Ruru.


"Getting old and die. Alam ko di naman natin maiiwasan. Pero natatakot pa rin akong isipin na tatanda ako at mamamatay." niyakap niya ang sarili niya ng humangin bigla. Pinaikot niya ang bote at huminto ito kay Simon.



"Crowded places and dogs. Especially kung nasa akin ang atensyon. Dude! Para na akong bato na maninigas." napayakap kami sa mga sarili namin ng bigla humangin ng malakas. Namatay ang apoy na nasa harap namin at narinig kong napa-shit si Miguel.  Hindi ako makagalaw dahil tulog na si Elo na nakahiga sa lap ko.

"Ru at Jonel kunin niyo yung flashlights sa loob ng tent. Leo patulong naman kumuha ng mga tuyong sanga." kinuha ni Miguel ang flashlight na dala niya, umalis sila at naiwan lang kami. Tahimik at madilim at tanging liwanag lang ng buwan ang nagbibigay liwanag.

Nawindang kami at nagising ng biglang tumili ng pagkalakas-lakas. Nagising sa gulat si Elo at napayakap sakin sa gulat. " Sino yun?!" sigaw ko dahil di ko sila makita.

DARKUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon