Prologue

35 3 1
                                    

Paano kung mainlove ka sa isang tao na, oo nga magkapareho kayo ng estado, ngunit hindi ikaw ang pinapangarap niyang magustuhan at makasama?

Paano kung maraming humahadlang sa mga nangyayari sa pagitan ninyong dalawa?

Paano kung naisip mo na magsisikap ka para sa kaniya? Para maging katanggap tanggap ka para sa kaniya?

Paano kung pagkatapos mong magawa ang lahat eh pumasok sa isip mong pagod ka na pala? Pagod ka ng mag-isip ng mga bagay na maaari mong gawin para magustuhan ka niya?

Paano kung isang araw eh magising ka na lang na hindi mo na siya mahal ngunit sa kabila ng lahat eh bumaliktad ang sitwasyon?

Paano kung gusto mo nang tumakas mula sa mga pangyayari ngunit hinahadlangan ka niya kahit nawala na ang nararamdaman mo sa kaniya?

At paano kung sabihin niya sayong noon ka pa niya mahal ngunit ang pag-iibigan niyo ay wala sa TIMING?

A Wrong Timing Love Story(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon