Continuation...
"Grade 9 eto nga pala si Sir Charlie bago niyong Filipino Teacher." Sabi ni Mam Gorospe.
Bakas sa mukha ng aking mga kaklase na tuwang-tuwa sila sa narinig. Alam niyo naman, hindi ko nilalahat ah? Minsan kasi eh pag boring ang teacher nagiging boring na rin pati ang klase.
Nagpakilala na yung bagong teacher at base sa napakinggan ko, Charlie De Vera daw pangalan niya. May asawa na. 30 na daw siya. Newly wed HAHAHA. Talagang may tawa siya nung sinabi niya yan. Inulit ko lang
"So dahil bago pa lang ako dito at kakagrad ko lang last year dahil nagmasteral pa ako ay magkekwento muna ako. So as I have said, my name is Charlie De Vera. 30 years old. Actually hindi ako Filipino major. Science major talaga ako. Eh nagkaroon ng shortage ng Filipino Teachers dito sa ENHS eh napilitan ako mag-Filipino. May asawa na nga pala ako. Secret muna ang pangalan"
Nakita ko naman na nagniningning ang mata ng mga kaklase kong babae dahil nga sa may bago kaming teacher.
Pagtingin ko kay Kyla e halos maghugis puso na ang mata niya sa kakatitig sa unahan. Ngunit, hindi kay Sir Charlie kundi kay JM.
Ang sakit lang ah, para na talaga akong bading dito. Bakit naman kasi kailangang sa kaniya pa siya magkagusto.
Nagsimula ng magturo si Sir Charlie at naging maayos naman ang pagtuturo nito.
***
"Kyla!" Sigaw ko sa kaniya. "Sasabay ka ga sakin umuwi?"
"Hindi Jrod e. Kasabay ko sina Yanku at Elize." Sabi niya at nakita kong may kasabay nga siyang transferee. Sila pala yun. Hmmm.
"Sige! Isasabay ko na lang si Allie!" Sigaw ko sa kaniya. Nasa may gate kasi sila.
"Sige sige! Kita kita na lang mamaya ha?" at tuluyan na siyang nawala.
Paano kung kasabay pala nila di JM? Paano na? Talaga bang wala na akong pag-asa?
"Oy Jrod! Tara na pauwi!" Sigaw ni Allie sa harap ko.
"Sorry. Tara na" sambit ko na lang at tinahak na namin ang daan papunta sa bahay.
***
"Nay andito na po ako." pagkapasok ko pa lang ay tumambad sa harapan ko si Kyla na nakangiti.Ano kayang nangyari?
"Hi Jrod!" Sabi niya habang nakangiti at kumakaway pa.
"O anak! Andiyan ka na pala! Magpalit ka na at nagpaalam na sa akin si Kyla na pupunta daw kayo sa siomai-yan" sabi ni Nanay.
"Mag-aano tayo doon?" Tanong ko sa kaniya.
"Ah. Nagpadala kasi si Tatay ng pera galing Manila kaya binigyan ako ni Nanay ng pera pang meryenda. Tara na?" ahhhhh kaya pala.
Pumunta na ako sa kwarto at nagpalit ng damit.
Pagkarating namin sa siomai-yan ay umorder siya ng bente pesos ng siomai para sa aming dalawa at tig-isang palamig.
"Nga pala Jrod. May mga bago uli tayong transferees diba?" tanong niya at naalala ko ang sabi sa akin ni Mrs. Binay, ang aming SSG Adviser.
"Ah oo. Pito daw sila. Galing Korea." sabi ko sa kaniya habang inaalala ang mga papel na nakita ko kanina.
"Wow! Siguro mayaman ang mga yun ano?" Tanong niya habang binabalatan ang siomai. Nakahiligan na niyang balatan ang siomai para daw hindi kaagad maubos.
"Oo. Siguro."minsan nakakainggit din yung mga taong hindi nag-iisip kung paano kakain ng tatlong beses sa isang araw. Nakakalungkot isipin na may mga taong naghihirap at meron namang maalwan ang buhay.
***
"Jrod! Gising ka na! Tumawag si Mrs. Binay kanina kay Kyla. Sabi ay agahan mo daw ang pasok at ngayon ang dating nung mga transpiri sa inyong iskul!" sigaw ni nanay habang nasa kusina.Dali-dali akong bumangon at naggayak na. Hindi na ako nakakain pa dahil malapit na mag alas sais y medya.
"Jrod! Tara naaaaa!!" Sigaw ng magpinsan na Kyla at Allie. Ano pa bang aasahan ko? Maingay sadya ang dalawang iyan.
***
Nandito ako sa may gate at inaabangan ang sasakyan ng mga transferee.Maya maya lang ay huminto ang isang van at lumabas ang pitong babae na kanina ko pa iniintay.
"Good morning girls. I am John Jrod Panganiban. The school's Supreme Student Government President." Pagpapakilala ko sa kanila sabay lahad ng kamay.
"Oh hi! I am Lanelle Venus Jimenez"sabay kuha ng kamay ko.
"Hi! I am Faith Arabelle Repel"sabay kuha din ng kamay ko kay Ms. Jimenez.
"O Annyeonghaseyo! Kathie Treasure Lascano" sabay kuha din ng kamay ko kay Ms. Repel
"Annyeooonnggg! I am Melissa Grace Flores!"sabay kuha din ng kamay ko kay Ms. Lascano
Mukhang malalamog kamay ko dito ah.
"Hi, I am Christie Athena Cruzat. Nice meeting you" at nginitian niya lang ako.
Mabuti na lang at di niya kinuha ang kamay ko. Ang sakit na eh.
"Hi po! I am Maria Lovely Atienza. It is so nice meeting you po!" nginitian niya na lang din ako.
Napatingin ako dun sa isa ng hindi pa siya nagpapakilala. Wala siyang pake sa paligid at nakaearphone lamang siya.
"Miss. I am so sorry but I would like to tell you that it is prohibited to use any kind of gadgets in this school. I hope you don't mind if you keep that inside your bag."sabi ko sa kaniya. Sinunod naman niya ngunit hindi nakatakas sa paningin ko ang pag irap niya.
"Uy! Pakilala ka!" sabi nung si Ms. Jimenez
"Elena Angel Caguete." Sabay irap uli.
"Why so rude girl? Myghad! I thought you already left that in Korea." Sabi ni Ms. Lascano.
"So, lets go to your class?" Tanong ko sa kanila.
"Arasseo!"sabi nila ng sabay-sabay.
At dahil nga nag-aaral din kami dito ng Korean Literature and Culture. May alam kaming basics ng korean hangul.
"Wow! I never thought that this school is so big!"bulalas ni Ms. Repel.
Hindi ko sila masisisi. May mga bagong gawang building kaya mukhang malaki talaga.
"Malapit na ba tayo?" tanong ni Ms. Jimenez.
"Medyo malayo ang room natin eh. Aakyat pa tayo at lalampas ng dalawang building"sagot ko at agad naman silang nanlumo.
*****
So ayun! After a long timeeeee, sorry maprendsss sa matagal na update hihi.❤️

BINABASA MO ANG
A Wrong Timing Love Story(On-going)
Teen FictionMay bespren ako. Mahal ko siya. Pero, hindi kami bagay. Bakit? Dahil hindi ako ang lalaking hinahangad niya makasama. Kaya ano pang magagawa ko bukod sa magparaya? Wala na bukod sa pagsuporta sa mga gusto niya. (Yakkk! Ang jeje ng intro ko muahahaha...