John J Rod's POV
"Nak gising na! Papasok ka pa sa school kelangang maaga ka dahil unang araw ng klase niyo"
Haaaayyyy! Pasukan na naman. Nubayan! Hindi bale makikita at makakasama ko naman ang nag-iisa kong bestfriend.
"Opo Nay! Ligo lang po ako. Naplantsa niyo na ga po yung uniform ko?"
Oo nga pala sa isang public school ako napasok. Hindi kasi namin kaya ang mga tuition fee at ibang bayarin sa private eh. Kaya ito nagtyatyaga kami sa ENHS. Isa itong public school dito sa aming bayan. Dito kasi kami nakatira sa probinsya eh. Pero masasabi kong maayos ang edukasyon dito saka meron dun na Star Section ah! At isa ako sa estudyante dun.
"Nak ito na baon mo. Pasensya na ah? At walang pambili ng palaman ang nanay. Hayaan mo at kapag nakatsamba ako eh mabibigyan ko rin kayo ng maayos na buhay"
"Tsk. Nanay naman. Siya sige po maalis na muna ako at dadaanan ko pa si Kyla sa kanila. Baka magalit eh"
Si Kyla yung bestfriend ko.
"Sige na nga at baka mahuli pa kayo! Ingat nak!"
"Opo nay!"
Mga limang mminutong lakaran lang naman at na kina Kyla na ako. Habang papalapit sa kanila eh unti unti ko siyang natatan-awan na naghihintay sa tapat ng bahay nila. Dun sa may parteng malapit sa gate. Medyo may kaya kasi sila eh dahil ang papa niya ay nasa Maynila.
"J Rod! Bakit ba ang tagal mo?? Alam mo bang mahigit sampung minuto na akong nakatayo dito? Tsk. Tagal kasi gumising eh"
Eto talagang bestfriend ko mainitin ang ulo. Pero di bale sanay na naman ako eh.
"Sorry naman. Eh sa alam mo naman na babago pa lang nag-aadjust ang katawan ko kasi sanay ako sa puyatan diba?"
"Mga dahilan mo! Bahala ka nga diyan"
Kunwari lang yan alam ko. Sobrang kilala ko siya na umaabot na sa puntong alam ko pag galit o nagtatampo siya at sa ngayon ay mukhang hindi naman.
1
2
3
4
5
"Sige na nga! Tara na oy! Basta lilibre mo ako mamaya ha? Dun sa tapat ng school. Dun ba sa may tindahan ng fishball at kikiam"
Alam kong mahirap lang kami pero nag-iipon naman ako kaya may panlibre ako sa kaniya mamaya.
"Sige! Basta sabay tayo ah!"
"Oo ba! Sya tara na pumasok at baka malate tayo. May orientation pa naman."
Naglakad na kami papunta sa court at napakaraming estudyante dun dahil magkasama na dito sa school ang Senior at Junior High School. Mahigit 1000 ata populasyon dito eh.
Nag-salita na ang Principal ng school na si Sir Victor Agellon. May sinabi tungkol sa mga patakaran at iba pa.
Maya maya lang eh pinapila na kami para pumunta sa aming mga classroom. Nasa pinakataas pa ang building namin kaya kami ang nahuhuli.
*Uwian*
"Oy! J Rod yung libre mo! Asan na?"
" Wait lang naman oh! Tara na sa baba at baka may Flag Retreat pa"
Naglakad na kami pababa at may nakita akong mga babae na napapalingon tas yung iba eh titili o di kaya naman ay mamumula.
nakalimutan ko pala! Isa nga pala akong SSG President o Supreme Student Government President. May itsura din daw ako sabi nila at maayos naman ang katawan ko. Ang ibig kong sabihin eh hindi mapayat hindi rin mataba. Tama lang kumbaga.
"J Rod! Huuuyyy!! Ano ba? Tara na uy!"
Nawala ang pag-iisip ko ng mga bagay bagay nubg kinurot ako ni Kyla ng di naman masyadong masakit.
**
"Anong gusto mo mahalang o matamis??"
Ansarap talaga ng sauce dito!
" Matamis po ate."
Sinalinan nung tindera ng sauce yung lalagyan ni Kyla. Tuloy lang ako sa pagkain hanggang sa magtanong siya na ikinabigla ko.
"J Rod, para sayo pogi ba si Jay Mark?"
Natigilan ako. Pakiramdam ko gumuho ang mundo ko lalo na nung nakita kong kumikislap ang mata niya habang tinantanong iyon.
" Bakit mo naman naitanong??"
"Wala lang. Ang lakas kasi ng appeal niya. Di ko lang alam kung sakin lang ba? Or pati sa iba?"
"Okay lang naman siya. May itsura kaso mapayat. Mas pogi pa ako dun!"
" Sus naman! Nagbuhat ng sariling bangko naman daw! Masama ba yun?? Crush ko lang naman siya eh"
At mas lalong naramdaman kong guguho na ang mundo ko pati ang puso ko nung marinig ko ang mga salitang yun.
Crush ko lang naman siya eh
Crush ko lang naman siya eh
Crush ko lang naman siya eh
Crush ko lang naman siya eh
Crush ko lang naman siya eh
Ansakit. Parang mamamatay na ako. Anim na salita na kayang patayin ako sa loob ng isang segundo.
"Hoooyyy!! Jrod! Tulala na naman ikaw! Ano bang nangyayari sayo??"
At dahil pakiramdam ko eh maiiyak na ako kahit nakakabakla,
"Ah Kyla! May iniuutos pa nga pala si Nanay! Una na ko ah! Bayad na yan. Byee"
"Ha? Sigeee. Tutal iintayin ko po bumaba si JM eh"
At mas lalong nanganganib ang mga luha ko. Parang dinudukdok ang puso ko.
"Okay. Una na ko byeee!"
"Bye din! Ingat ka!
At pagtalikod ko, nagsimula ng pumatak ang mga luha ko.
Aware naman ako na mas gwapo at mas mayaman si JM eh. Alam ko naman na pangarap ni Kyla na magkaboyfriend ng ganun kasi nga diba mahirap sila tas pano kung mahirap din maging boyfriend niya e di nganga sila. Kaya naiintindihan ko siya.
Patuloy sa pagpatak ang luha ko hanggang sa may nag-abot sakin ng panyo.
" Hi pogi! Ako nga pala si Althea Margarette Cusi! Ikaw? Sino ka? Saka bakit ka umiiyak? May umaway ba sayo?"
***
Yowwnnn may bagong character! Hi nga pala sa mga kaklase ko! Hihihihi😁😁 Maggegrade 9 na tayo guyss!😊😊

BINABASA MO ANG
A Wrong Timing Love Story(On-going)
Teen FictionMay bespren ako. Mahal ko siya. Pero, hindi kami bagay. Bakit? Dahil hindi ako ang lalaking hinahangad niya makasama. Kaya ano pang magagawa ko bukod sa magparaya? Wala na bukod sa pagsuporta sa mga gusto niya. (Yakkk! Ang jeje ng intro ko muahahaha...