Sinong marunong maglagay nung dedication sa taas? Paturo naman oh😊 Salamat😘
***
" Hi pogi! Ako nga pala si Althea Margarette Cusi! Ikaw? Sino ka? Saka bakit ka umiiyak? May umaway ba sayo?"
Napatingin ako sa babaeng nasa harap ko. Maganda, Sexy, Maputi, Medyo matangkad pero hindi naman pandak, at childish.
"Hey! Ano ba? Ayaw mo ba akong kausap?" Naluluha na niyang tanong. Napatawa naman ako. Ang cute niya kasi magpout tapos paiyak na.
"Luh! Bakit ka tumatawa? May dumi ba ako sa mukha? Wait lang ha check ko lang" kinuha niya yung maliit salamin niya sa kaniyang bag. Halatang mayaman. Pinagmamasdan ko lang siya hanggang sa matapos siya sa pagtingin sa mukha niya kung may dumi nga ba.
"Wala naman eh! Kaw talaga niloloko mo ata ako. Wait lang! Kanina pa ako imik ng imik dito ah? Ano bang pangalan mo saka bakit ka umiiyak? May nambully ba sayo?"
"John J Rod Bunquin. At walang nambubully sakin dahil walang bullies dito."
Napatango naman siya,"Oh! Okayyyy! Pero bakit ka nga umiiyak?" Saby hila sakin habang naglalakad. "May problema ka ba? Pwede ka magsabi sakin. I can keep your secrets. I am a trustworthy"
"Wala lang naman to. Nakakita/nakarinig lang ako ng nakakaiyak na pangyayari/salita"nakatungo kong sabi na ramdam ko eh iiyak na naman ako.
Isa lang masasabi ko. Para na akong bading sa inaasta ko. Pag nakita ako ni Kuya sa ganitong sitwasyon, nakuuuu! Mamamatay na yun kakatawa.
"So ano nga yung pangyayari slash salita na nakita mo slash narinig mo?" Tanong ulit niya. Balak ko ng sabihin ang nagyari pero may naalala ako.
Kakakilala ko pa lang sa kaniya at hindi ko alam kung sino at ano ba talaga kailangan niya.
"Okaaaayyyy. Nababasa ko sa mga mata mo na wala ka pang tiwala sakin. Okay lang yun no! Sanay na ako na hindi pinagtitiwalaan ng mga tao. Kahit nga ang parents ko wala ring tiwala sakin."
Isang luha ang kumawala sa mata niya at dahil nasingahan ko na ang lanyo niya, inaro ko ang aking sleeve sa kaniya.
"Oh!" Sabay alok ng dulo ng longsleeves ko.
"Aanhin ko naman yan?" Nakapout niyang sabi. Anak ng! Labag nga sa loob ko na alukin siya dahil mahirap maglaba tas tatanungin niya lang ako ng aanhin niya to?!!!
At dahil inis ako hindi lang dahil sa sinabi niya kundi pati sa nguso niyang nakanguso (a/n: Nudaw?😂😂) na mahirap aminin pero talagang ang cute niya pag nakaganon ay umuna ako sa kaniya ng lakad
"Waaaaahhh! May nasabi ba akong mali? Huuuyy! Hintayin mo naman ako oh!"
Tuloy tuloy lang ako sa pagalakad hanggang sa marating ko ang bahay namin. Nung akmang papasok na ako sa pinto ay bigla siyang sumingit at nauna pa sakin.
Pagkapasok ko ay nagmano at humalik ako sa pisngi ni Nanay.
"Oh anak! Sino tong magandang dalagang kasama mo?(a/n: Ako po yuuunn!!💕💕) Hindi mo naman sinabing may kasama ka sana'y nakapagpabili ako ng miryenda sa kuya mo."
"Ah Nay! Si ano nga po pa-"
"Althea Margarette po Tita. Pero Allie na lang po hehehehe" sabi niya sabay halik sa pisngi ni Nanay.
"Aba! Ay kagandang pangalan iha. Siya siya! Maupo ka muna diyan sa may sofa namin. Pasensya ka na at hindi yan masyadong malambot dahil iyan eh bigay lamang ng mga kamag-anak namin."
"Okay lang po tita. Ang astig nga po dito sa inyo eh. Maliit lang bahay niyo pero hindi naman boring at mukhang laging masigla. Hindi katulad sa amin" napayuko siya nung sinabi niya ang huling linya.
Oo nga pala, san kaya ito galing at bigla na lamang sumulpot sa harap ko.
"Ah Allie san ka nga pala gali-"ng kanina. Di ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang nagsalita siya.
"Ay oo nga pala! Eh pano kasi magtatransfer sana ako sa school niyo. Kaso naligaw ata ako kanina at uwian na ng makarating ako."
"Ahhhh. Ikaw pala yung sinasabing transferee kanina ni Mam Gorospe."
"Oo. Sabi kasi ni mommy ay sa SSC daw ako mag-enroll kasi ang general average ko naman last year ay 94 kaya ayun! Dun nga ako nag-enrol. Kaklase pala kita? Sabay tayo pumasok bukas ah! Diyan lang naman bahay namin sa may pulang gate."
"Okay. Daanan na lang kita bukas at isosoli ko din itong panyo mo."
"Sige sige. Intayin kita dun ah sa may gate!"
"Oo nga kulit nito"
"Tita una na po ako! Bukas na lang po ulit ng hapon kung okay lang. Wala naman po akong kasama samin maliban dun sa nanay-nanayan ko."
"Ay siya sige. Oh Jrod hatid mo muna tong kaibigan mo diyan sa bahay nila. Ay malapit lang pala eh bago kanila pala yang malaking bahay diyan."
"Sige po Nay."
*sa may gate nila*
"Ah sige na Jrod pasok na ako. Salamat sa paghatid. Sa uulitin"
"Sige" sabi ko na lang dahil wala naman akong masabi.
"Ah Jrod. Pwede bang maging kaibigan mo?" Nabigla ako sa sinabi niya at natuwa rin kasi may bago na kaming kaibigan.
"Oo naman! Bakit hindi? Una na ako ha! Bye!" Kumaway na siya sakin at pumasok na sa bahay nila.
Pagdating ko sa bahay ay nadatnan ko si Kyla na kausap si Nanay. Nabigla siya nung makita niyang naka-uniform pa ako samantalang siya ay bihis na.
"Uy Jrod! Bakit nakauniform ka pa ha? Kung matuyuan ka ng pawis sa likod mo? Gusto mo yun? Nakuuuu kang lalaki ka! Hala pasok sa kwarto mo at magpalit ng damit."
Tinulak niya ako papasok samantalang siya eh bumalik sa tabi ni Nanay at nag-usap sila.
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto at nadatnan ko siyang nakaupo sa sofa habang umiinom ng kapeng barako.
"Sabi ng nanay mo may kasama ka daw babae kanina. Sino yun ha? Nalingat lang akong sandali may iba ka na." Sabi niya habang nakatingin sakin ng masama.
"Ahhhh si ano si Allie. Bago kong kaibigan." Sabi ko habang nakayuko tapos nakahawak sa batok. Kinakabahan ako. Ang sama kasi ng tingin niya parang mangangain ng tao.
"Nakilala mo na pala si Allie? Hindi mo naman sinabi sakin eh. Ipapakilala pa lang sana kita sa kaniya bukas."
Teka. Kilala niya si Allie? Bakit di ko alam yun?
Nahalata naman niyang nagtataka ako kung bakit niya kilala si Allie kaya bigla siyang nagsalita.
"Pinsan ko siya hehehehe. Ah ano kwan ahhh kaya di ko nasabi dahil hehehehe hindi ko naman alam na lumipat na siya diyan hehehe sa tapat hehehe." Sabi niya habang mukhang natatae. (a/n: Pasintabi po sa nakain😊😅)

BINABASA MO ANG
A Wrong Timing Love Story(On-going)
JugendliteraturMay bespren ako. Mahal ko siya. Pero, hindi kami bagay. Bakit? Dahil hindi ako ang lalaking hinahangad niya makasama. Kaya ano pang magagawa ko bukod sa magparaya? Wala na bukod sa pagsuporta sa mga gusto niya. (Yakkk! Ang jeje ng intro ko muahahaha...