Continuation....
"Pinsan ko siya hehehehe. Ah ano kwan ahhh kaya di ko nasabi dahil hehehehe hindi ko naman alam na lumipat na siya diyan hehehe sa tapat hehehe."
"Ahhhh sige" nagulat naman siya sa tugon ko.
"Talaga ayos lang sayo na naglihim ako?" Tumango naman ako. "Waaaaahhhh!!! Ambait mo talaga bespren! Kaya lab na lab kita ehhhh! Mwuaaahhh!"
Tuwang-tuwa naman niyang sabi tapos hinalikan niya ako sa pisngi.
Wait. Hinalikan ako sa pisngi???
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
HINALIKAN NIYA AKO SA PISNGI???!!!!! *CENSORED*!!!! Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. Para na akong bading talaga.
"O bakit ka naman namula? Siguro may crush ka dun ano? Uyyyy! Si bespreeeennn!!" Tinusok tusok pa niya ako sa tagiliran =_= Ambad niya. At habang inaasar niya ako isa lang ang nararamdaman ko.
Ang sakit. Ang sakit kasi siya pa mismo ang nang-uukit sa akin. Kung alam lang niya kung gaano ko siya kamahal.
"Oh bakit naman mukhang wala ka na sa mood? Tara na nga dun sa Candava! Libre kita ng Soft Ice Cream. Yung tig-lilima lang ah!"
Habang naglalakad kami papuntang Candava. Napansin kong matamlay siya. Sabi na eh, kaya ito pumunta sa bahay kasi may problema siya. Kadalasan kasi ako ang napunta sa kanila.
"Oh anong problema mo babae?" Tanong ko sa kaniya at itinunghay ko yung mukha niyang nakayuko (a/n: Malamang=_= magtunghay ka ng nakatingala try mo.) At napansin kong umiiyak siya. Kaya hinila ko siya papunta sa Aguada Park.
"Bakit ka ba kasi umiiyak?" Tanong ko sa kaniya habang nakaupo sa duyan.
"Nakita ko kasi si JM kanina *huk* may kasamang babae *huk* at higit sa lahat si Mau Elizabeth pa!" Humagulhol naman siya ng iyak.
Kung tatanungin niyo kung sino si Mau Elizabeth, siya lang naman ang nag-iisang Muse ng section namin. Almost perfect nga sabi nila at ang escort pa ay si JM! O diba double kill para kay Kyla? May usap-usapan nga na nanliligaw si JM kay Mau. At hindi ko alam kung totoo yun.
Patuloy lang sa pag-iyak si Kyla hanggang sa mapatingin siya sakin ng gulat na gulat. Ganito oh>0o0. Hinampas niya ako ng pagkalakas lakas kaya nagulat ako.
"Oy Jrod! Hindi mo pinaalala! Bibili pa tayo ng ice cream. Teka! Anong oras na ba? Madilim na ah!" At dahil pareho kaming walang orasan eh tinignan namin palabas sa TV sa bahay na malapit dito. Pagtingin namin,
"HALAAAAA! CARDO NA! SARADO NA ANG CANDAVA!" Sabay naming sigaw at pareho kaming nanlumo at napaupo sa kalsada. Wala naman masyadong nadaan dito kaya okay lang.
"Oh Kyla! Jrod! Anong ginagawa niyo diyan?" Napatingin kami parehas sa sumigaw at si Allie pala yun.
"Alliieeeeeee!! Wala naaaaa! Wala ng Ice Creaaaammmm! Huhuhuhuhuhu bakit kasi inuna ko pa pagdadrama?" Iyak ng iyak si Kyla dahil nga sarado na ang Candava.
Maya maya ay hinila na kami ni Allie patayo at pinapunta sa bahay nila. "Oh!" Napatingin kami sa inihain niya sa may coffee table at nagkatinginan kami ni Kyla.
BINABASA MO ANG
A Wrong Timing Love Story(On-going)
Novela JuvenilMay bespren ako. Mahal ko siya. Pero, hindi kami bagay. Bakit? Dahil hindi ako ang lalaking hinahangad niya makasama. Kaya ano pang magagawa ko bukod sa magparaya? Wala na bukod sa pagsuporta sa mga gusto niya. (Yakkk! Ang jeje ng intro ko muahahaha...