€ñď

1.6K 86 43
                                    

Anne pov.

Sa laro ng pag-ibig.

Kailangan lagi kang handa.

Handang masaktan,handang magparaya,handang maghintay,handang magpatawad at higit sa lahat  handang tanggapin ang pagkatalo.

Hindi kasi lahat nanalo. 

Hindi lahat happy ending.

Hindi lahat laging masaya.

Kaya dapat matatag ka.

Dapat handa,,dahil ganyan magmahal.

Kaakibat ng pagmamahal ang sakit.

Sa buhay minsan kailangan nating masaktan at madapa,para matuto tayong tumayo at lumaban.

''Mommy,,, milk''sabi ni Marydale anak namin ni Paul.

Pag katapos kasi nung pag-uusap namin noon. Wala na kaming sinayang na sandali.

Pumunta na kami sa bahay,para daw kausapin sila Papa.

Hindi naman tutol ang pamilya ng bawat isa,kaya pinadali na ang kasal. Katwiran nila kami o ako nalang naman daw talaga hinihintay para sa kasal. Dahil bago pa man daw ako dumating pinaghandaan na lahat ni Paul. Nakausap na rin pala ni Paul sila Mama at Papa noon.

At noon pa hiningi na nya ang kamay ko.

Inaaman ko nabigla ako doon.

Paano kung di ako bumalik? O kung may iba na ako? Di nasayang mga paghahanda nila. 

Pero nagpapasalamat ako kasi kahit walang kasiguraduhan ang lahat,ginawa nya parin.

Lalo ko tuloy minahal si Paul.

''Mommy?''

''Yes baby''sabay kandong ko sa kanya. 3 years old na sya at sobrang daldal.

''Tabi ko gutto ko ng milk''madaldal na bulol.

Yong S nya kasi nagagawa nyang T.

''Sige na nga,pero kiss mo muna si mommy''

''Mmmmwaauh,,,yan mommy na kitt na kita. Atan milk ko''

''Tara kuha na tay----- manang ano yong mabaho?''nakaamoy kasi ako ng mabaho.

Nakakasuka parang babaliktad sikmura ko.

''Ma'am carbonara po. Di po ba sabi nyo magluto ako?''carbonara?

Bakit ang baho?

''Bakit ang baho?''nakaka pang init tong si manang. Teka?

''I'm home''

''Daddy---''yon lang ang huling narinig ko bago nagdilim ang paningin ko.

♡♡♡♡♡

''Congrats bro''yan ang unang narinig ko ng magising ako.

Teka?

Nasaan ako?

Wala ako sa kwarto namin ng asawa ko.

''Hon,, ok ka lang? Ano gusto mo? Tubig? O kahit ano sabihin mo lang''anong nangyayari?

Game Of Love ''Mayward''Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon