11

834 66 6
                                    

Paul pov.

Ilang araw akong hindi nagpakita kay Anne.

Hindi ko kasi alam kung paano hihingi ng tawad sa nagawa ko sa kanya.

Hindi ko muna sya pinakinggan at basta nalang ako umalis.

Nang gabing yon tumatawag sya,ngunit naging bingi ako.

Nang magtext sya,sinagot ko ito pero may masakit na salita akong nabitawan.

May tiwala naman ako sa kanya eh.

Sadyang kinain lang ng selos ang pagkatao ko ng makita kong kayakap nya si Rex.

Ngayong alam ko na ang totoo wala parin akong lakas ng loob harapin sya.

Yes.. alam ko na totoo. Matapos kasi ng gabing yon ay pinuntahan ako ni Rex sa bahay namin.

Flashback:

"Kuya may bisita ka"sabi ni Paulo sa akin.

Ayaw ko man aminin dahil galit ako pero parang bigla akong nabuhayan ng dugo. Iniisip ko kasi na si Anne ang dumalaw sa akin.

Excited akong bumaba pero di ko pinapahalata sa kapatid ko.

Ngunit laking dismaya ko ng ibang tao ang nakita ko.

"Anong ginagawa mo dito?"bungad ko sa bweseta namin.

Tama bweseta dahil ang taong to ay walang iba kung hindi si Rex.

"I'm here to talk to you"

"About what?"

"Anne"

"Wag mong sabihin na kaya ka pumunta dito para hilingin na pakawalan ko na sya. Dahil kung yon man hindi ako papayag. Ipaglalaban ko si Anne magkamatayan man" matatag kong sabi sa kanya.

Ano sya baliw?

At anong tingin nya sakin susuko nalang bigla?

Napansin kong ngumisi sya.

"Ipaglalaban hanggang kamatayan? Eh ang pakinggan nga sya hindi mo nagawa ipaglaban pa ba?natahimik ako dahil sa sinabi nya.

Game Of Love ''Mayward''Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon