5

923 79 13
                                    

Paul pov.

"Mae? Tao po! Mae?"

Nasa labas ako ng bahay nila mae ngayon.

Tatanungin ko lang sana kung nag rereply ba si Anne sa kanya.

Kanina pa kasi ako nagtetext at tumatawag di naman nya sinagot,nag aalala narin kasi ako. Iniisip ko baka nabigla sya kanina ng banggitin ko si Rex.

"Bakit? Gabi na ah anong kaylangan mo ng ganitong oras?"

"Tatanungin ko lang sana kung katext mo si Anne?"

"Hayy.. Pasok ka. Upo ka muna"

"Salamat. Di rin ako magtatagal gusto ko lang malaman kung ok lang ba sya?"

"Tingin mo? Kaw kasi binanggit mo pa ex nya. Paul alam mo naman na lahat di ba? Kinuwento ko na sayo. Ayaw na nyang marinig pangalan ng lalaking yun ngunit binanggit mo parin. Nasaktan sya ng sobra sa ex nya e. Akala nya kasi nakatagpo na sya ng lalaking magmamahal sakanya kung ano man sya. At di sya ikukumpara sa kapatid nya. Pero hindi e niloko rin sya paul niloko lang sya. Yan ang dahilan kung bakit hirap na ulit syang magtiwala.

Bigla akong nakaramdam ng awa kay Anne.

Maraming nakwento sa akin si Mae tungkol sa kanya alam ko narin ang pinagdadaanan nya.

Nakaramdam din ako ng guilt dahil sa balak kong gawin sa kanya.

Pero ngayon alam ko na lahat.

Aayusin ko mali kong nagawa. Pag dating ni andrew sasabihin ko sa kanya na di ko na tutuloy yung usapan namin.

Isa pa totoo naman na nararamdaman ko kay Anne e.

Sa ilang linggo ko syang nakakasama nakilala ko kung sino ba sya.

Sya yung tipo ng babaeng di madaling sumuko.

Palaban,matulungin sya sa taong nangangailangan.

Masaya syang kasama at higit sa lahat maalalahanin sya.

Di mahirap mahalin ang isang tulad nya.

Tanga nalang ang mananakit sa taong katulad nya.

♥♥♥♥♥♥

"Morning! Flowers?"

"Di pa ako patay para bigyan nyan!" Pagtataray sakin ni Anne matatawa sana ako sa kanya pero baka lalo lang ankong sungitan. Hayy pasalamat sya mahal ko sya.

"Di lang naman patay binibigyan ng bulaklak ah.! Pati yung taong pinapahalagahan mo o minamahal mo"

"Paul---

"Alam ko Anne, alam ko. Pero pwede bang wag mo akong pagbawalan? Pwede bang hayaan mo akong ipakita at iparamdam sayo na mahal kita?"

Nanatiling tahimik si Anne habang tinitigan ako. Maaring tinitignan nya kong totoo nga ba ang mga sinabi ko o hindi.

"Bahala ka. Pero binalaan na kita. Hindi ko maipapangako na masusuklian ko ang pagmamahal mo sakin"

"Ok na yun basta wag mo lang ako pagbawalan. So flowers?"

"Kukunin ko to pero last nato"

"Huh?akala ko ba ok lang?"

"Ok lang. Pero di kasi ako mahilig sa ganyan?"

"Akala ko ba mahihilig ang mga babae sa bulaklak.?"

"Hindi lahat ng babae mahilig sa mga ganyang paandar" mmmmf iba talaga sya. Di rin sya nakukuha sa mga pambobola.

"Ok sabi mo e."

Hinatid ko na sya sa school hanggang sa room nya. Nakita ko rin si mae na nakangisi sakin. Ngunit di ko pinansin na kay Anne lang kasi atensyon ko.

"Una na ako. Sunduin nalang kita ulit mamaya ha? Oo nga pala bago ko makalimutan" inabot ko sa kanya yung paper bag na dala ko. Sandwich yun at maiinom hinanda ko talga yun sa para sa kanya.

"Ano yan?"

"Sandwich mo. Hinanda ko yan para sayo! Kunin mo na para makaalis na ako"

"Salamat"

Ng kinuha nya umalis na rin ako mahirap na baka ibalik nya pa sa akin!.

Ang saya lang di na nya ako pinagbawalan. Sana magtuloy tuloy pa to. Pinapangako ko mamahalin ko sya at aalagaan ko. Buburahin ko ang sakit na dulot ng ex nya. Paparamdam ko sa kanya nya na karapat dapat syang mahalin at di kaylangan ikumpara sa iba.

PAGSUNDO ko kay Anne hinatid ko na rin sya pero may kalayuan sa kanila. Baka daw kasi makita ng papa nya. Sinabi naman nya sa akin kung bakit at naiintindihan ko.

"Mae tingin mo. May chance kaya ako?"

"Malay ko.! Ako ba sya?

"Ang taray mo!"

"Di joke lang. Ituloy mo lang yan. Kung tutuusin nga may chance kana. Kasi yung dati di sya ganyan ne di nakikipag usap sa lalaki yan. Pero ngayon nakikipag kwentuhan na sya. Isa lang mapapayo ko sayo sa pangliligaw mo. Hindi mahilig si Anne sa material na bagay mas gusto nya yung pinaghihirapan mo tulad nung sandwich kanina at sa bulaklak naman mas gusto nya may ugat!"

Huh??"may ugat bakit?"

"May sariling paniniwala ang babaeng yun"

"Ano?"

"Sabi nya sa akin pag binigyan daw sya ng bulaklak dapat may ugat kasi  baka daw magustuhan nya yung boy ng dahil sa bulaklak tapos pag nalanta kasabay malalanta pag tingin nya. Pero pag may igat daw habang tumatagal yumayabong. Parang sa love daw"ganon?may ganon pala syang paniniwala?

"Ganon?

"Oo. At oo nga pala di rin mahilig si Anne sa tsokolate"

"Bakit naman"

"Malay ko yun sya e. Mas gusto nya ng buko pandan o avocado flavor. Yun lang sya sige umuwi kana sakit mo sa mata e" ah ganon sige mapagtripan nga.

"Sino maganda sa mata mo si andrew ba?"biglang namula sa inis si mae. Haha huli ka.

"Lumayas ka nga. Matapos kitang tulungan gaganyanin mo ko? Siraan nalang kaya kita kay Anne?"

"Uyy.. wag ganyan kaw kasi sinimulan mo e. Pero maiba ako. Ano ba kayo ni drew.?"

"Kung ano man kami. Wala ka na dun ang atupagin mo si Anne. At siguraduhin mong di mo sya paiiyakin"sabay pasok sa gate nila.

Talagang hindi ko paiiyakin si Anne. Mamahalin ko lang ng sobra.

A/N

Sensya po sa error sana magustuhan nyo

Game Of Love ''Mayward''Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon