7

850 70 22
                                    

Anne pov.

Excited akong pumasok bukas,dahil nakapag desisyon na ako.

Sasagutin ko na si Paul.

Sa wakas masasabi ko na sa sarili kong naka pag move on na ako ng tuluyan kay Rex.

At handa na ako sa bagong pag ibig na dumating.

Kainis naman kasi eh ngayon pa talaga ako tinarangkaso.

May sumilay na ngiti saking labi ng maalala ko si Paul. Sa totoo lang namimiss ko na sya.

Ilang araw din kaming di nagkita.

"Anne.. anak may bisita ka!"ha?sino naman kaya. Si Paul? Pero imposible kasi sinabi kong wag syang pupunta.

"Sino po ma?"

"Rex daw pangalan nya anak"shit...anong ginagawa nya dito.

"Labasin mo na bisita mo. Habang nasa trabaho pa papa mo. Bilisan nyo lang mag usap anak."

"Sige po,saglit lang po"

"O sya sige at akoy mamalengke na. Kaw na bahala bisita mo"

***

"ANONG ginagawa mo dito. Dun tayo sa labas. Wag tayo dito mag usap,baka kung ano isipin ng mga kapitbahay dami pa namang tsismosa dito"

"Anne,i'm here to talk--

"Talk about what?"

"Us"

"Walang tayo Rex"ang kapal ng mukha nyang magpakita sakin.

At us?

Seryuso ba sya?

"Hayaan mo akong magpaliwanag"

"Paliwanag?nagpapatawa ka ba? After 2 years ngayon ka lang magpapaliwanag?"

"Look Anne may rason ako"

Hindi ako sumagot hinayaan ko lang syang magsalita. Iniisip ko kasi bakit pa sya nagpakita. At ngayon pa talaga.

"Nung una kitang makita aaminin ko na challenge ako sayo,kasi kaw lang ang babaeng umisnab sakin. Di mo ako pinapansin. Nalaman yun ng mga barkada Anne. Pinagtawanan lang nila ako. Sinabi ko sa kanila pakipot kalang na makukuha din kita. Kaya naisip ko na ligawan ka para patunayan ko sa kanila na tama ako. Pero habang nililigawan at nakakasama kita.nalaman kong karapat dapat kang mahalin. Na ang isang tulad mo di dapat paiyakin"

Game Of Love ''Mayward''Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon