Alam kong hindi mo pansin
Ang mga mata ko'y sayo nakatingin
Na sa tuwing ika'y nasa malapit
Ang mga mata ko'y tila saiyo na nakakapit
Bakit kay hirap sabihinAng mga salitang nais kong sambitin.
Mahal, gusto kong malaman mo
Ang pagtingin ko sayo'y napakatagal ko ng itinatago.
Bakit ba kasi ikaw pa?
Ikaw na kaibigan ko pa,
Ikaw na may mahal ng iba.
O kung wala man ay hindi parin ako diba?
Mahal gusto ko lang naman paglaanan mo'ko ng kaunting oras mo.
Mga oras na kailangan ko para mapunan ang puwang sa puso ko.
Oo mahal ikaw ang kailangan ko
Ikaw ang kukumpleto sa wasak kong puso.
Pero bakit ganun?
Bakit ikaw pa?
Ikaw na walang alam sa'king nararamdam
Ikaw na walang pakialam
Kase kaibigan lang ako sayo
Kaibigan lang at walang magbabago.
Gustong tanggapin ng puso ko
Na hanggang dun lang talaga tayo
Pero mahal, bakit ang sakit?
Bakit ang hirap?
Ayoko kong tanggapin kasi minsan naramdaman ko
Naramdaman ko yung pagmamahal mo.
Pero bakit ngayon ay ipinagkakait mo?
Minsan naramdaman ko kasi ipnakita mo
Binuksan mo ang puso mo para makapasok ako
Ngunit nakit tila yata ay pinaalis mo'ko
Sinaraduhan mo'ko ng pinto
Ano nga ba ang dahilan?
Bakit hindi mo ipinaintindi sa akin ng lubusan?
Bakit tila ay bigla ka nalang yatang nawala?
Bakit nawala ka nalang bigla?
Hindi ko na maramdaman ang presensya mo sa'king tabi
Hindi ko na maramdaman kung paanong ang mga yakap mo ang lunas sa'king pighati
Mahal, asan ka naba?
Bakit nawala ka na parang bula?
Napagod ka ba sa mga ugali kong pabago-bago?
O dun sa mga pagtaboy ko sayo ng pabiro?
Bakit ang dali mo naman yatang sumuko
Anong nangyari saiyong mga pangako?
Pangako na walang iwanan
Pangako na walang limutan at pangako na habang buhay tayong magkaibigan.
Asan ka na ba? Tinanggap ko naman na hanggang kaibigan lang talaga.
Ngunit Bakit tila yata ay umiwas ka?
Ano ba ang aking nagawa?
Bakit lumayo ang iyong loob sa akin?
Hindi ba't ako naman ang una mong tinatakbuhan
Sa tuwing ika'y may problemang nais mong pag usapan
Hindi ba't ako naman ang na una bago siya
Pero bakit mas mahalaga parin siya?
Mahal alam kong mas masaya ka sakanya
Ngunit sana huwag mong kalimutan na bago siya may ako muna.
Bago siya ako ang iyong takbuhan
Bago siya ako ang nakaalalay saiyo
Bago siya ako yung laging nandyan
Dumating lang siya pero nawalan na ako ng papel sa buhay mo.
Mahal ang sakit isipin na binura mo na'ko sa listahan ng mga importanteng tao sayo.
Pero mahal salamat.
Salamat kasi, kahit sandali naramdaman kong ako'y mahalaga.
Salamat kasi, kahit sandali naramdaman kong minahal mo akong talaga.
Salamat kasi, kahit sandali ipinaramdam mo sa'king espesyal ako saiyo.
Bakit kasi ikaw pa?
Eh hindi naman dapat kasi kaibigan kita
At kaibigan mo lang ako.
Magkaibigan tayong dalawa ngunit bakit ang sabi ng iba ay may mas malalim pa sa magkaibigan lang talaga?
Bakit ang sabi nila'y lagi nilang napapansin ang kung paano ang mata mo'y nakatingin sa akin na puno ng pagmamahal at paghanga
Ngunit bakit hindi ko yata ito makita?
Masyado ba akong nabulag sa katotohanang kahit kailan ay kaibigan Lang ang turing mo sa akin?
O baka naman dahil hindi ko lang talaga makita sa mga kilos mo
Dahil mas nakikita ko ito pag iba ang iyong mga kasama?
Nag iba kana. Hindi na ikaw yung taong laging nandyan
Nawala na yung dating tayo
Dating tayo na laging magkausap
Dating tayo na inaabot ng hatinggabi kung mag asaran
Pasensya ka na kung nanghinayang ako sa biglaan mong pagkawala
Mahal pasensya dahil ngayon ko lang nalala na wala nga palang "tayong dalawa" pasensya ka na dahil masyado lang talaga akong umasa na hindi mo'ko bibiguin
Na hindi mo'ko paaasahin
Dahil mahal, nanghinayang talaga ako ng sobra sa iyong biglaang pagkalawa.
Biglaan mong pag alis dun sa pwesto mo kung saan dapat ako ay mahuhulog
Dun sa pwesto kung saan mo dapat ako sasaluhin
Mahal patawad kasi, akala ko at inakala ko na may magiging "tayo" kasi pinakita mo.
Yun pala lahat ng iyong pinakita ay motibo ng isang kaibigan lang at wala ng iba pa.
Pasensya ka na kasi masyado na yata akong emosyonal
Nalampasan ko kasi yung iginuhit mong linya na dapat ay hanggang kaibigan lang.
Sana pala hindi ko nalang pinansin
Hindi ko nalang sana napansin ang iyong mga tingin
Binalewala ko nalang sana ang iyong mga matang laging nakatingin sa akin
Hindi sana aabot sa ganito
Kaya ngayon ay tila nag bago ka
Nagbago ang iyong pakikitungo sa akin
tila ba nawala na yong tamis sa iyong bibig pag ako'y iyong kinakausap
Nawala ang lahat ng dahil sa inakala ko
At ng dahil sa lagi nila tayong tinutukso
Sana hindi nalang ako nakinig kanila
At higit sa lahat binalewala ko nalang sana
Pero bakit tila yata nagpipigil ka
Bakit parang ayaw mo na tayong dalawa
Ayaw mo kong saktan
Ngunit sayong ginawa ay labis akong nasasaktan
Sumugal ka nalang sana
Sinubukan mo nalang sana
Pero naisip ko
Kung tinuloy mo bang talaga
Magtatagal ba?
Ewan, oo, siguro pero isa lang ang masasabi ko salamat parin saiyo.Salamat sa mga ala-alang ibinigay mo
At salamat sa lahat ng leksyon na nakuha ko ng dahil sayo.Bakit kasi ikaw pa?
Andami namang iba.
Bakit kasi ikaw na kaibigan ko pa.

YOU ARE READING
Unspoken Thoughts
PoetryThis is my unspoken thoughts. Some of this were written in tagalog and some are in english. Lahat ito ay original na gawa ko kaya sana mag enjoy kayo. Lovelots.