May Nagbago

7 0 0
                                    

Mahal, parang hindi na tayo tulad ng dati
Ewan ko may nararamdaman ako pero di ko mawari
Iba na ang pakikitungo mo sakin
Pati pagtawag mo saking pangalan ay iba narin
Mahal, bakit parang di na kita maramdaman?
Mahal, bakit parang sa puso mo'y hindi na ako ang laman?
Alam ko, oo alam ko kasi hindi ako tanga
Alam ko kasi hindi nako masaya,
Mahal? Asan kana?
Asan na yung taong minahal ko?
Asan na yung taong naging takbuhan ko?
Asan na yung taong laging andyan?
Asan na yung taong nangako na hindi ako iiwan kailanman?
Asan kana?
Akala ko hindi mo'ko kayang tiisin
Pero bakit ilang araw mo na akong hindi pinapansin?
Hindi ka naman ganito
Hindi tayo 'to.
Ano ba ang aking nagawa?
Bakit parang ngayon ikay nagsasawa.
Mahal, ano na?
Ako parin ba?
Kasi kung ako lang naman hindi mo'ko titiisin ng ganito katagal,
Kung ako lang naman hindi ka kikilos ng ganito kabagal.
Oo, mabagal. Mabagal na ang iyong pag usad,
Hindi mo pinansin pati pag hingi ko ng tawad.
Mayroon ba kong nagawang kasalanan ng hindi ko namamalayan?
Baka nagawa na hindi mo nagustuhan?
Kasi sa totoo lang litong-lito na'ko.
Nararamdaman ko na ang iyong pagsuko.
Ewan ko, ayaw ko sana pero ikaw yung lumayo.
Unti-unting lumalayo.
Pakiramdam ko ika'y napakalayo.
Hindi ko na nakikita ang kislap sayong mga mata.
Hindi kona nakikita ang saya sa tuwing magkasama tayong dalawa.
Ang dating mainit na samahan.
Bakit ngayon sinlamig na ng ulan?
Sabihin mo, ano bang nagawa ko? O wala naman pero bakit tinatrato mo 'kong ganito. Ano? Sagutin mo 'ko.
Alam ko may nagbago.

Unspoken ThoughtsWhere stories live. Discover now