Paano nga ba?
Kung yung dumating yung pagkakataon na matagal mo nang hinihintay?
Yung panahon na mamahalin ka na ng taong mahal mo?
Pero bakit hindi ka man lang makaramdam ng saya?
Bakit hindi mo maramdaman yung gusto mong maramdaman?
Yung pakiramdam na parehas kayong nagmamahalan.
Pakiramdam na parang kayo lang dalawa kasi sa wakas mahal ka na niya.
Bakit hindi ka man lang makaramdam ng saya?
Akala ko ba ay iyan ang gusto mo? Na yan ang sandaling pinakahihintay mo?
Masyado na bang huli ang lahat o sadyang may hangganan lang talaga yung pagmamahal na kaya mong ibigay?
Huli na ang lahat kasi bakit nga ba ngayon lang?
Bakit hindi noon kung kailangan siya lang yung lagi mong hinahanap-hanap
Siya lang yung lagi mong iniisip
Iba na kasi ngayon, masyado na siyang nahuli
Nabaling mo na sa iba yung atensyon mo
Atensyon na noon ay pinagkakait niya
Atensyon na noon ay pinakahihiling mong ibigay niya
Napagod ka na nga siguro kakahintay
Napagod yung puso na maghintay sa wala
O baka naman namanhid na
Kasi masyado ng masakit
Masyado na siyang masakit para ipagpatuloy mo pa yung pagmamahal mo sa kanya.
Masyado ng masakit na umabot sa punto na ayaw mo na
Ayaw mo na kasi ang sakit sakit na, at ayaw mo na kasi nakakapagod na.
Masyado na kasing huli ang lahat. Masyado ng huli para sa inyong dalawa.
May hangganan kasi ang lahat ng bagay.
Kahit pagmahahal ng isang tao ay may hangganan kahit pa gaano sila ka tapat magmahal
Kahit pa ayaw nila itong pakalawan. Bibitaw sila ng kusa kung umabot na sila sa hangganan.
Kasi hindi naman pwede na isa lang yung nagmamahal.
Hindi naman pwede na isa lang yung nasasaktan.
Pasensya ka na. Masyado lang talagang masakit kaya ako'y bumitaw na.
Pasensya dahil hindi ko na kaya. Patawad kasi ayoko ng masaktan pa.
Oo, mahal kita pero noon yun at hindi na ngayon. Pasensya ka na kasi masyado ng huli ang lahat para sa ating dalawa.
Kaya ngayon ako'y mamamaalam na.
Masaya ako kasi nalaman kong mahal mo ako.
Mahal mo na ako, ang saya sana kaso wala na'kong nararamdaman pa para sayo.

YOU ARE READING
Unspoken Thoughts
PoésieThis is my unspoken thoughts. Some of this were written in tagalog and some are in english. Lahat ito ay original na gawa ko kaya sana mag enjoy kayo. Lovelots.