Prologue

46 1 0
                                    

Talino?

Ganda?

Talento?

Yaman?

Fame?

Yan ba talaga ang criteria para sa taong dapat mong mahalin?

Hindi ba parang..... ang unfair sa mga taong hindi ganun katalino, panget, walang talent at mga poorita? Ibig kong sabihin, ang unfair naman para sakin!

Eh 10% lang ang meron ako ng mga un. Ang daya naman, no? 

Buong buhay ko un ang pinaniniwalaan ko. Kaya nga halos lahat ng mga produktong pampanda, sinubukan ko.

Pero nakakainis lang, bakit ayaw tumalab? 

Pero here comes one day, may nakilala akong estranghero. Na magpaparealize sakin na hindi mo kailangang maging matalino, maganda, talentado at mayaman para mahalin ka ng isang tao. Kasi daw ang pagmamahal dapat walang mata at tenga. Hindi dapat inaalala ang panlabas na anyo, hindi pinapansin ang mga sinasabi ng tao. Dahil ang tanging kailangan lang daw ay isang pakiramdam. Pakiramdam na walang ibang inaalala kundi ang sarili mo ring nararamdaman. Kumbaga, sa pagmamahal, what matters the most is the feeling of love that is inside your heart. At kung sakaling hindi kayo parehas ng nararamdaman, matuto kang tanggapin ang katotohanan. Dahil daw ang tunay na definisiyon ng pag-ibig na sinabi niya,

"LOVE IS ACCEPTANCE."

Sa tuwing naiisip ko yun, para lang akong nadalaw sa isang panaginip. Hindi ko kasi akalain na sa isang taong hindi ko kilala ang magmumulat sakin sa katotohanan. 

Simula nung mangyari un, syempre hindi ko tinigil ang pagpapaganda. Gumagamit parin ako ng mga trusted products. Medyo tumatalab na rin sila. Hinahasa ko na rin ang talento ko, kung meron man. Sinusubukan ko ring mag-aral ng mabuti kahit na alam kong sasabog ang utak ko kahit wala namang laman. Yung yaman? Keri lang, aminado naman akong mayaman kami. Hehehe.

Pero hindi gaya ng dati, ginagawa ko un para sa chuchu criteria na un na madalas nilang sabihin sakin nun. Kundi ginagawa ko na yun para sa sarili ko mismo, para naman kahit papaano, masasabi kong may K ako.

Charot. Hahaha! 

Sa ngayon, pinagdarasal kong makita siya. At kung bakit? Ewan ko. Basta ang alam ko gusto ko siyang makita. At kapag nakita ko na siya, I might not let him go. 

Malay natin, siya ang destiny ko. <3

Don't Go (EXO FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon