Chapter One

56 1 8
                                    

Araw araw na lang ba may nakikita akong lovers? Perfect lovers? Yung tipong, maganda si girl at gwapo si boy. Matalino silang dalawa, at parehong talentado. Ang perfect di ba? Ang di ko lang talaga matanggap, bakit may isang lovers na halos araw araw kong makita. Aksidente ba yun o sinasadya ng tadhana o sinasadya ng dalawa? Nakakaiinggit kaya!

Ang masaklap, ung lalaki, siya pa ung crush ko. Nakakabwisit diba? Kaya nga araw araw namamatay ung babae sa isip ko. Sa tuwing nakikita ko sila sinasaksak ko ng itak ung babae, pinapasagasa ko sa tren, kinakalbo, pinuputol ang kamay. Hahaha! Ang sama ko ba? Eh di hiwalayan niya si crush para di ko siya ginaganun. Haha.

At ayan na nga sila, makakasalubong ko sila sa hallway ng school. Kung makakapit tong babae, naku! 

"Hi Chan!"

"OMG, ang hot ni Chan!"

Isa pa tong mga fangirls eh, nilalandi siya. Tapos buti pa sila pinapansin, nginingitian. Nahihiya kasi akong magpapansin sa kanya, baka madedma lang ako.

So ayun nga pinansin sila. Muntik pang mahimatay ung isang babae. Kayo na ang swerte!

"Hi, Shara!"

Hindi lang si Chan ang sikat, pati rin ung babaeng ilang beses ko ng pinatay sa isip ko, si Shara. Siguro masasabi kong almost perfect siya. Kaya nga bagay silang tignan ni Chan. At yun ang pinakamasakit na view para sakin.

NakakaGRR!

I put on my headset and ignore the world, ignore them. Nilakasan ko ang volume para di ko sila marinig. Alam ko kasing kapag nagkasalubong na kami maririnig kong masaya silang nag-uusap. And its killing me softly. Charot.

Papasok na ko ng room ko ng may biglang humila sa balikat ko at tinanggal ung headset sa tenga ko.

"Anak ka ng tokwa kanina ka pa namin tinatawag."

"Oo nga, nakaheadset ka pala akala namin bingi ka na."

I just glare at them at pumasok na ko ng room, sumunod naman sila.

"Bakit ba?" Tanong ko sa kanila pagkaupo ko.

"May goodnews at badnews kami." Sabi ni Eigh. 

Si Eigh, kaibigan kong crush din si Chan. Ah hindi, halos lahat pala crush niya, ung grupo nila Chan.

Upon looking at her face nawala ang kaba sa dibdib ko. Alam ko na kasing kalokohan na lang to.

"Pero ang goodnews, joke niya lang yun! Hahaha!" sabat naman ni Belle. See? 

"Hahahaha!" Sinabayan naman siya ni Eigh sa pagtawa. Mga chinguloid talaga ang mga to.

Chingu (which means friend) + monggoloid = Chinguloid

Don't Go (EXO FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon