First Saturday
"Jey, nandito si Min." Sabi ni Mama mula sa labas ng kwarto ko. Kukunin na siguro niya ung notebook niya. Tapos ko naman na, kaya isasauli ko na.
Magkapitbahay lang kami ni Min. Kapatid ni Mama ung Daddy ni Min. Close na close kami ni Min dahil parehas kaming jolly. Oo jolly ako no, saka lang nawawala ang pagkajolly ko kapag nabibitter ako. Close kaming dalawa kasi parehas kaming mag-isa, I mean, wala kaming kapatid. Di tulad ng ibang kapatid nila Mama at pinsan nila may mga kapatid.
"Min oh," Inabot ko na sa kanya ung notebook niya, "Salamat!"
Tumabi ako sa kanya na kasalukuyang nakaupo sa sofa at nilalamutak ang cake na hinanda ni Mama na dapat sana para sa akin.
"Oh heto," may inabot siyang maliit na envelope. Kinuha ko ito, "ticket yan para sa Saturday. Bigay ni Chen."
"Kyaaaaaaaaaaah!"
"Eeesh, ingay mo. Dun ka nga!" Tinulak niya ko. Muntik tuloy akong mapasubsob sa sahig.
"OMG! Thank you, Min! Ang swerte ko pinsan kita! Haha!" Niyakap at hinalik halikan ko ang envelope. Sa wakas! Mapapanood ko sila ng live sa practice nila. Hindi ko pa sila napanood magpractice, dahil madalas ang napapanood ko ung mismong performance na nila. Para sa akin mas masaya at mas masarap manood ng practice nila dahil dun, makikita mo ang lahat. Ang paghihirap nila, ang enjoy sa mukha, ang mga mistakes nila. Lahat! Mapapanood mo ang totoong sila sa kabila ng magandang pinapakita nilang performance.
"Wag ka sakin magthank you, kay Chen."
"Seryoso, si Chen talaga?" Tumango siya. Awww, Chen you're so kind! Daebak!
"Okay, magpapasalamat ako pag nakita ko siya."
"Edi punta ka ulit sa room namin para makita mo siya."
"Eeeh ayoko nga! Ang kumplikado sa mundo niyo! Hihiram lang ng notes ang daming pagsubok!" sigaw ko sa kanya. Nakakaloka ang mundo nila talaga. Nung araw na un parang first time lang nila naencounter ang may magexcuse at mangistorbo ng klase.
"Kasi nga yun ung unang nangyari un sa klase namin kay Sir Terres." Sumubo siya ng cake at tumingin sakin. "Kapag kasi alam nilang si Sir Terres ang teacher, hindi sila nagkakaroon ng lakas ng loob na umistorbo." Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. "Ikaw pa lang."
At lumaki pa ng lumaki ang mata ko. "A-ako? Pa lang?" Anak ng tofu! Kaya pala ganun na lang ang reaksyon nila.
"Haha, buti nga maganda ang mood niya nun kundi lagot ka."
Gulp. Ngayon ko lang naramdaman ang kaba na dapat pala ay kanina ko pa naramdaman. Hindi na ko pupunta sa room nila. Promise! O kahit sa building nila. Hindi na. Promise!
* * *
"Eigh! Ayos lang ba tong suot ko? Yung make up, keri lang ba? Yung buhok, magulo ba?" Sunod sunod na tanong ni Belle.