Chapter Four

21 1 0
                                    

"Jey kapag naubusan tayo ng ticket hingi ka ulit kay Chen ha? O kaya kay Soo tutal makapal naman ang mukha mo." Pamungad agad sa akin ni Eigh pagkapasok ko ng room namin. At ang loka malakas ang bunganga kaya narinig ng iba naming kaklase.

"Wait, what? Humingi ka kina Oppa Chen at Oppa Soo? Jinjjah?" Gulat na tanong ng isa kong kaklase.

"My God! Makapal nga talaga ang face mo!" Sigaw naman ng isa pa.

"Siguro ay hindi mo afford ang bumili ng ticket kaya ka nanghihingi? Eew, so poor!" Sabi pa ng isa. 

"Hoy babaeng clown! Mas mayaman pa kami sayo no!" Sigaw ni Eigh at padabog na lumapit sa babae.

"Oo nga, kaya nga naming bilhin yang kaluluwa mo eh." Dagdag pa ni Belle na ginaya ang ginawa ni Eigh.

Okay, ang buong atensyon ng klase ay nasa akin na. Kasalanan ni Eigh to eh. Baka malaman pang pinsan ko si Min mabash pa siya pati ako at siguradong maraming sisipsip sakin para kay Min.

Inawat ko ang dalawa na tinutunaw na ng tingin ang tatlong babaeng dumidikdik sa akin. "Matatalino kayo di ba? Paanong hindi niyo naiintindihan ang kalokohan ng mga kaibigan ko?" Kalmadong sabat ko sa kanila.

Tinaasan ako ng kilay ng isa, "What do you mean?"

"My friends used to say those kind of words. Ang ibig sabihin, isa lang iyong kalokohan o biro nila maasar lang ako. Tsaka hello? Do I look have the guts para manghingi? Eh ang magreport nga sa harap nangangatog na ako, makiusap pa kaya sa mga yun?" Inirapan ko sila at hindi na pinansin. Hindi ko na rin sila hinintay magsalita. Naupo na ko sa upuan ko, sumunod naman ang dalawa.

"Taray mo, Jey! Pangsoap opera!" Puri ni Eigh sa ginawa ko. 

"He, tumahimik ka nga. Ikaw na nga dahilan eh. Daldal mo kasi." Pagsisita ni Belle kay Eigh.

"Basta wag na mauulit yun. Alam niyo namang.." saglit akong napatigil at nilapit ang mukha ko sa kanila at bumulong, "pinoprotektahan ko ang image ni Min." At saka ako humiwalay. "Dahil kapag nalaman yun ng mga taong yan, baka may magalit sa kanya at sa akin narin syempre."

"Eh di ba nireveal na niya na pinsan ka niya?" Nagtatakang tanong ni Belle.

"Oo, nung nagpunta tayo sa room nila." Sunod naman si Eigh.

"Iba yun. Mga sikat ang mga tao dun at wala silang pakialam sa bagay na yun. They only care for their selfs."

"Depende na lang kung hindi sila chismosa." Sabi ni Belle. Napaisip ako sa sinabi niya. Paano nga kaya kung may chismosa? Patay ako pag nagkataon.

"Wala naman siguro." Yun na lang ang naisagot ko and the next thing na nangyari ay dumating na ang teacher namin.

* * *

Last subject na at ito ang pinakahate ko, lalo na ng dalawa, P.E. Bakit ba kasi may ganito pa sa college namin? Dapat wala na eh. 

Don't Go (EXO FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon