Chapter I - First Meet-up

24.7K 212 11
                                    

Kabanata 1

KIM’S POV

Mahirap palang mamuhay mag-isa. Maaga kang gagayak para magluto ng almusal, mamalantsa ng susuotin, mag-ayos at kung anu-ano pa. Hindi ako sanay na ako ang gumagawa ng mga ganito, ibang-iba ito sa mundong kinagisnan ko. May mga taga-sunod sa kalat ko, taga-silbi at taga-alalay sa mga kinakailangan ko.

Pero iba na ang lahat. Unti-unting nabaon ang pamilya ko sa utang. Simula kasi nung iwan kami ni Mama, nawalan na ng ganang mabuhay si Papa. Kaya heto ako, nasa Maynila ngayon para makipagsapalaran.

Lumaki ako sa Cebu. Isa akong half Chinese, half Filipina. Isa ang pamilya ko sa pinaka-successful na entrepreneur ng bansa. Halos lahat ng high end residences sa Cebu, kami ang nagmamay-ari. Pero noon iyon. Bilog nga ang mundo. Before I know it, wala na ang lahat - ang yaman, ang rangya, ang lahat ng bagay na akala ko'y hindi mawawala.

Iniwan kami ni Mama nung 16 years old ako. Ewan nga ba kung bakit bigla na lang siyang umalis. Kaya ayun, nawalan ng gana si Papa mabuhay. Nalulong siya sa bisyo at sugal.  Napabayaan niya ang negosyo namin hanggang sa lumaki ng lumaki ang pagkakautang namin sa iba’t ibang lending companies. Napabayaan miya kaming magkakapatid at napabayaan niya ang sarili niya. Nakalimutan niyang mabuhay. Nakalimutan niyang may mga taong nagmamahal sa kanya.

Wala na yung maranyang buhay namin. Nawala nang bigla ang magagandang ala-ala at napalitan ito ng mapait na ngayon at bukas. Ako lang ang nagsumikap na pag-aralin ang sarili ko. Nag-apply ako sa isang scholarship rito sa isang kilalang unibersidad dito sa Maynila. Pahirapan ang agos ng aking buhay. Minsan gusto kong sumuko na lang ngunit tila may nag-uudyok sa akin upang lumaban pa. Sa awa naman ng Diyos, eto, nakapagtapos na ako bilang Magna Cum Laude sa kursong BS - Architecture nung nakaraang taon. At kama-kailan lang, pumasa ako sa licensure exam. Di na ako nahirapan sa paghahanap ng trabaho. May tumawag na sa aking kumpanya. Isang Real Estate Company. It reminds me of our business before. Kung dati, kami 'yung nangunguna. Ngayon, parang isang magandang panaginip na lang ang kumpanya namin. Wala ng nakakaalala o nakakabanggit man lang.

“Hi. I’m Kimberly Sue Chiu. I have an appointment with general manager Engr. Harold Tan”

“Oh yes Ma’am. He’s waiting for you at his office, 5th floor of this building, then turn left”

Tumango lang ako at nagpasalamat.

I feel optimistic na makakaya ko ang interview. I need to have this. I gotta have this. My family needs my help. It's time for me to give back the favor to my father who seemed hopeless of his life lately.

Ngumiti ako habang nakatingin sa salamin. My dreams are coming true. I am getting there. Konteng ipon at pagsisikapan kong maibalik kami sa dati. This is next to impossible but who cares? Kung kailangan doblehin o kahit triplehin ko ang pagkayod ko, gagawin ko. My family deserves a better life than what we have right now.

Kumatok na ako sa office nung Mr. Harold Tan. Pinapasok ako nung sekretarya niya.

“Ms. Chiu, Mr. Tan is expecting you here. Nasa loob na po siya, nag-aantay”

“Ah gano’n ba? Sige, maraming salamat”

I was so nervous that my knees are shaking. Conceal don't feel, Kimmy!

Napanatag ang loob ko nang matatamis na ngiti mula sa isang lalakeng nasa mid-40's ang bumati sa akin. He seemed familiar. Marahil nakita ko na ito sa T.V. This company is one of the best in the field so tjat explains bakit mukhang namumukhaan ko ito.

“Have a sit, Arch. Chiu. Di na ako magpapaliguy-ligoy pa. We’ve done a lot of research about you. So I guess, your qualities are just perfect for the position. You can start by tomorrow. Congratulations, you’re HIRED!”

As easy as that... Natameme ako. How can someone hire me without even asking me a single question?

“Thank you po Sir! It’s my pleasure to contribute something beneficial in this company!”
 
Agad ko itong binalita kay Papa. Ikinatuwa niya ito ngunit hindi ito buo. Hindi ko man siya nakikita pero alam kong hindi siya tunay na masaya. It's been years since I last saw him happy. Hindi ko na pinatagal pa ang tawag. I don't wanna give myself the wrong impression about my father.

I called my best friend instead. After all, this still calls for a celebration. Nagpasya kaming magkita sa isang Chinese Restaurant sa BGC.

Pagkarating ko, inalalayan agad ako nung waitress sa lamesang for two.  Biglang tumawag si Tracey. Something came up daw. Like the usual, I would eat alone.

“Oh c’mon Sophie! Grow up! I’m not in the mood to handle your stubbornness!”

I did not mean to eavesdrop but the man in tuxedo is causing too much noise. This is a public place, just so he knows. Tinignan ko ito ng mabuti. I am somehow hoping na maintindihan niya na hindi lang siya ang tao sa lugar na 'to.q

Napansin kong binabaan niya yung kausap niya sa phone. Nilayo ko agad ang tingin ko. I don't have much time for someone I barely know.

As soon as dumating ang order ko, kumain agad ako. I was pretty starving. Saka ko lang naalala na hindi pa pala ako nagb-breakfast. I skipped the meal para hindi ako mahuli sa interview ko.

Matapos kong kumain, pumunta ako sa powder room. I found the meed to check on my face.

Shit happens when you least expect it. Palabas ako ng powder room nang mabangga ako ng isang lalake who didn't even care to help me get up. Paglingon ko, namukhaan ko agad ito. He was the guy who kept yelling on his phone. Inirapan ko ito.

"Manong, this is to let you know that I have forgiven you kahit hindi ka pa nags-sorry."

“Mag-ingat ka kasi. And why would I ask for forgiveness?!” he sarcastically smiled.

"Kasi binangga mo ako. That's enough reason for you to say sorry."

"Hindi kita binangga, tatanga-tanga ka kasi."

Bago pa ako makasagot, nilagpasan ako nito na parang walang nangyari. I paid the bill and I immediately left. Ayokong sirain ang araw ko for something that isn't worth it.

Whirlwind Romance (KimXi Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon