Chapter XXIII - Future Plans

9.9K 111 15
                                    

Hello friends, POV lang po 'to ni Xian ngayon. Sorry, medyo maikli po 'to. Haha. Pero sana ma-appreciate niyo kahit papano. :))


-Mia


XIAN’S POV

Sinundan ko yung mabangong nalalanghap ko mula sa kusina. Nakatalikod si Kim kaya ‘di ko na pinalagpas ‘yung pagkakataong mahawakan siya. Akap-akap ko siya mula sa likod ngayon.

 

Uy! Tamang-tama! Paborito ko ‘to. Beefsteak, mapapasarap ang kain ko nito ah. Paano niya nalaman na gusto ko ‘to? ‘Di kaya tinanong niya si Mommy? Or sadyang may kumukonekta lang talaga sa amin kaya alam niya ang gusto ko kahit ‘di ko pa sinasabi sa kanya?

 

Mabiro nga ‘tong si Kim.

 

“My favorite! Mukhang masarap ‘yan babe ah. Parang ikaw lang!”

 

Naramdaman kong umangat ang balikat niya. Nagulat ko na naman ata. Eh, sa gusto ko siyang nakitang naasar ngayon eh. Ang cute niya kasing tignan. Yung tipong parang anytime, pwede niya akong ipa-cremate at i-flush sa toilet bowl sa sobrang pagkapikon.

 

Pero ang harsh naman ata ng ganu’n. Mabait naman ‘yung babe ko kahit medyo sumpungin. Bigla niya akong piningot sa tenga. Actually, ‘tong mga pananakit niya, nakasanayan ko na rin. Alam ko namang eto ang way niya para lambingin ako eh.

 

“Ikaw talaga, ang pilyo mo! Halika na nga at ng makakain na tayo.”

 

Whew. This is it. Kakain na rin sa wakas. Naubos kasi ang energy ko dahil kagabi eh. (A/N: Mahalay kang lalake ka, Xian. Lol. Joke lang po, kasalanan ko kung bakit malandi si Xian sa kwentong ‘to)

 

“Xi, bago tayo magsimulang kumain, I think it’s right to pray first.”

 

“Oh sige, ikaw na ang maglead babe.”

 

She’s reciting the grace before meal. Ang bait talaga ng mapapangasawa ko. She’s a total package. Beautiful inside and out, smart, sensible, caring, conservative, faithful and most of all, Lordly. Sa panahon ngayon, bihira na lang yung babaeng dalagang Pilipina kung umasta. And I’m just so lucky na ganu’n si Kim.

 

Ayan na’t kakain na kami.

 

Unang subo… “HMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMN!”

 

“Oh, dahan-dahan naman sa pagsubo. Kamusta Xi, masarap ba? Did you like it?”

 

Binagsak ko yung kutsara’t tinidor.

 

“Xi, why?”

 

“I don’t like it.”

Whirlwind Romance (KimXi Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon