Chapter XXX - Choices and Decisions

8.3K 95 29
                                    

Isang malungkot na chapter na naman po ito. Pero unti-unti na kayong malilinawan rito. Nalulungkot ako sa nangyayari pero ganu'n naman talaga 'di ba?



"SMOOTH TIDES DON'T MAKE A SKILLFUL SAILOR."



It means, kailangan nating dumaan sa problema para maging matatag tayo, right? 


Enjoy reading kahit malungkot na naman ito.



-Mia








KIM’S POV

 

Maaga akong umalis ng bahay. 5:30 pa lang ng umaga, pumunta na ako rito sa airport. Nag-iwan lang ako ng letter para sa kanila, telling that  I’ll be leaving.  Ayokong may makaalam na pupunta ako ng ibang bansa. Gusto kong mapag-isa para makapagmuni-muni muna ako kung ano ba ang dapat  kong gawin. ‘Di magiging madali ang pag-alis ko, pero kakayanin ko. Kesa naman manatili ako rito sa Pilipinas. Mas maipapamukha niya lang sa akin na wala na pala akong uuwian.

Gusto ko siyang tanungin at kausapin kasi ang dami-daming tanong sa utak ko ngayon. Gusto ko tanungin kung may iba na ba o kung may nagawa ba akong mali para bitawan niya ng ganu’n kadali lang ang marriage namin. Gusto ko siyang puntahan bago man lang ako umalis pero natatakot ako sa magiging sagot niya. Baka mas lalo lang akong mahirapan.

Nandito na ako ngayon sa airport. Buo na ang desisyon ko. Ang paalam ko kila Papa, babalik na ako ng Maynila. ‘Di na rin ako nagpahatid. Ayokong malaman nilang hindi naman talaga ako babalik sa Manila. Ayokong ipaalam sa kanilang lahat, lalong-lalo na kay Xian. Ayokong makita siya dahil baka sundan niya ako at mas ayoko na ‘pag malaman niya, wala siyang pakialam.

I’m checking out my phone. Nakaka-ilang tawag na rin pala siya, pero ‘di ko ito sinasagot. Kaya tatanggalin ko na lang ang sim pack ko para hindi niya na ako ma-contact. Ano ba naman ‘to! Nasa gitna ako ng departure area, umaagos pa rin ang luha ko. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga mapanghusgang mga mata.

“Dada, carry please?”

 

“Oh sure, dear.”

 

Isa pa ‘tong mag-amang ‘to. Mas pinapaiyak ako. May mag-ama kasi sa harap ko ngayon. Ang sweet nilang tignan. Habang yung nanay naman nung bata, tuwang-tuwa na tinitignan yung mag-ama niya. Ang saya nila. Ako kaya, kalian magkakaganito? Sabi ko sa sarili ko, Xian and I will build a family together. We’ll have kids soon and we’ll build our home together. We’ll be great parents, we’ll fill our kids with love and we’ll raise them well. Mas napapahagulgol ako kasi na-realize ko na ang mga plano kong yun, mananatiling pangarap na lang. Kasi nga ‘di ba, wala na kami. Maybe we’re not meant for each other. Siguro may ibang nakatakdang magpapasaya sa amin at naipit lang kami sa sitwasyon. Pero the thought of it makes me weak. I can’t imagine myself building a family with someone else.

Whirlwind Romance (KimXi Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon